Chapter 33

28.3K 652 32
                                    

Mr Marvic's Point Of View

Makalipas ang isang linggo ay nakauwi na rin kami nila Shookey rito bansa, nasa Mafia Palace pala sina Zavier at Arian mabuti naman at kung ganun, mayamaya at biglang nag ring ang aking cellphone,  sinagot ko naman ito kaagad.

"Hello?"

[Sir Marvic! si Gretchen ito.]

"Oh ano na ang balita diyan sa mansion?"

[Maayos naman at teka wala ka bang naaalala ngayon?]

"Bakit anong meron ngayon?"

[Birthday kasi ni Zavier ngayon pupunta sana ako sa Mafia Palace upang batiin siya kaso nakakahiya.]

"Hindi yan, sabay nalang tayong pumunta at isasama ko si Shookey."

[Sige magbibihis na rin ako... ay may pang regalo kana ba? kasi ako meron na hehe.]

"Bibili palang ako, hehe." sabay pinutol ko na ang tawag.

Birthday pala ngayon ng anak ni Robert sigurado akong maraming handaan sa Mafia Palace, sana lang naalala ni Arian ang kaarawan ng mahal niya.

Mr Robert's Point Of View

"Honey, bilisan mo na diyan, mamimili pa tayo ng regalo sa anak mo."

"Hon? Ano kayang ireregalo natin kay Zavier?" tanong ni Kristina.

"Laruan?"

"Hay nako Robert! Ang tanda-tanda na ng anak mo bibilhan mo pa ng laruan jusku! Nagbabago na rin yang anak mo kaya wag mo nang ibalik yung dating bini-baby mo pa!"

"Joke lang hon, tara na nga." paanyaya ko sa kanya sabay lumabas na rin kami ng bahay.

Chad's Point Of View

Maayos na ang lahat at naka disenyo na, tsaka meron ng mga cake at iba pang mga espesyal na nakahain sa mahabang lamesa siguro dalawampu't lima (25) na katao mag kabilaan ang makakaupo rito, si Kryssa mismo ang nag isip kung paano pagagandahin yung mga design tsaka syempre tumulong na rin si Sandy.

Hanggang ngayon ay wala pa si Miss Lead, siguro'y busy pa siya hanggang ngayon sa pag-aasikaso sa High Tower Company, magtatampo si King Zav nito kapag hindi siya nakapunta sa mismong kaarawan niya. Grabe sobrang tahimik talaga ni Kryssa bale siya nalang ang kumikilos at hindi na naghihintay pa ng uutos sa kanya pero ang ganda niya pa rin.

"Padaan!" sigaw ni Sandra at sabay tinarayan ako nito, hindi ko naman siya pinansin pa.

Nandito na rin pala sina Dorix, Raider at maging si Mr Falcon at oo nga pala yung tatlong baliw naman ay kasama ni King Zav doon sa kwarto niya.

"Hello! Late na ba kami?" rinig king tanong mula kay Mr Marvic, nandito na sila kasama sina Mr Robert, Mrs Kristina, manang Gretchen at si Shookey? Nice, mukhang marami na rin ang nagbago sa isang 'to ah.

"Oh! Nasaan na si Arian?" tanong ni Mr Robert.

"Nasa High Tower pa po Mr Robert," sagot ko.

"Sana makauwi na siya ng maaga dahil baka magtampo itong asawa niya."

"Sana nga po eh."

"Salamat at inimbita niyo kami, grabe ang dami namang nakahain rito." rinig kong sabi ni Dorix na isang opisyal sa Trival Mafia Building, kasama rin nito si Jack.

"Pasok kayo rito!" paanyaya ni Raider na isang Mafia Boss sa mga taong nasa labas, siguro'y sila ang mga inimbitahan ni King Zav sa araw ng kaarawan niya. Pinapasok niya na ang iba nilang kasamahan na nagmula pa sa ibang bansa. T-teka! Mga Yakuza yan ah! Naalala ko dati kalaban 'to ni Boss Zavier dati dahil kinuwento nila Jc sa'kin ang tungkol rito pero ngayon mukha namang magkasundo na rin sila.

The Mafia Husband and The Assassin WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon