"Hanggang d'yan nalang kayo! ibaba niyo ang inyong mga baril!" utos ni Bryan na isa sa Top 5 World Rank Mafia Boss, agad na binaba nila Chad, Sandra at Arian ang kanilang mga hawak na baril.
"Tumalikod kayo!" utos niya, grabe nakakarindi na yung boses niya, napatingin ako kina Sandra at Chad, nagkatinginan ang dalawa at sabay silang napatingin kay Arian.
"Ayaw n--"
Hindi na natuloy ni Bryan ang sasabihin niya dahil mas mabilis pa sa kidlat kung bunutin ni Arian ang ang Katana niya sa kanyang baril mula sa kanyang likod.
Napa-ngisi na lamang ako sa ginawa niya dahil paano nalang kung natamaan ako? Edi patay ako nito!
Mayamaya pa ay sumakay na kami ng motor, dalawa pala yung motor na narito.
"Saan yung amin?" tanong ni Chad.
"Hoy Chad dito ka sa motor ko sasakay!" sabi ni Sandra.
"Eh paano naman ako?" kunot noong tanong ko.
"Edi kay Miss Lead ka sumakay! ang laki ng problema mo bro!" tugon niya at nag wink ito.
Bagoa ako sumakay sa Motor ni Arian ay pinag-isipan ko muna kung sasakay ako sa Motor niya, pero hindi ko inaasahang pinaandar na niya ito at pinaharurot kaya agad kong hinabol yung motor niya at sumakay sawakas, nakasakay na rin ako!
Mahigpit akong napahawak sa kanyang baywang ng mahigpit. "H-Hoy! dahan-dahan lang!"
Para kasi kaming nasa Racing! at Pakiramdam ko hinihila ako palayo!
~
Nang huminto ang Motor ay bigla akong bumaba at sumuka ako saglit, nahilo ako sa ginawa niya!
"Waaahh! Ayoko na! Ang sakit ng ulo ko! Para kayong hinahabol ng Police!" nakita ko si Chad na nakahawak pa rin kay Sandra.
"Bitaw na! Nandito na tayo!"
"Ay nandito na pala tayo, oh Zavier? anyare sayo? Buntis ka?!" walang kabuluhang tanong ni Chad kaya't nginisian ko naman siya. Ang sakit ng ulo ko.
"A-Arian," tawag ko sa kanyang pangalan at lumapit naman siya sa aking harapan.
Pagka-harap niya sa'kin ay napanguso ako, senyales na inaantok na talaga ako tsaka ang sakit pa ng ulo ko. Iniabot niya naman yung kamay niya sa'kin, tinanggap ko naman ito at inalalayan niya ako.
Maraming mga nagbabantay rito na mga Men in Black, may mga Katana silang hawak at mahigit 50 ang mga ito--- satingin ko. Nagbow yung isa sa harapan namin.
"Hindi nila mat-track itong Haven natin." saad ni Chad.
Ang ganda ng sinasabi nilang Haven, para itong Mansion na Black and White ang mga exterior at interior tapos maliwanag rito sa labas. Nang makapasok kami sa loob ay inilapat ni Arian ang kanyang kamay sa gilid ng pinto at biglang bumukas ito na parang elevator. Pagkapasok namin ay sobrang elegante ng loob.
"Wow! First time ko lang dito!" manghang sabi ni Chad.
"Zav! Laro tayo Games." paanyaya niya.
"May Games ba dito?"
"Oo naroon sa isang kwarto nakita ko, Tara laro tayo."
"Ikaw nalang kaya." kunot noong sabi ko.
"Eh magagalit si Ma'am Arian, sige na one on one tayo." wala na akong nagawa kaya pumayag na rin ako tutal na-miss ko na ring maglaro.
"Mag g-games lang po kami." pagpapaalam ni Chad sabay umakyat na kami sa kwarto.
Sandra's Point Of View
BINABASA MO ANG
The Mafia Husband and The Assassin Wife
RomantizmHe's a hot tempered as hell and insolent Mafia Boss who loves to hurt and make other suffer, he can do whatever he want, no one can stop a Mafia Boss like him despite from being childish and stubborn, he possess a multiple talent when it comes to ba...