Zavier's Point Of View
"Love anong meron?" tanong ko kay Arian at hindi niya naman ako pinansin, hanggang ngayon ay mainit pa rin yung ulo niya sa'kin.
Tinuro niya sina Jc, Ace at Dave sabay tinuro niya rin ang kanyang kinaroroonan, mukhang naiintindihan ko na ang ibig niyang sabihin, inuutusan niya ang tatlo na pumunta sa tapat niya. Napagpasyahan nga rin pala ng tatlo na bisitahin kami rito ni Arian, wala na rin akong magagawa kundi ang tumango nalang kahit na hanggang ngayon ay ramdam ko pa rin ang galit niya sa'kin.
"Okay Ma'am!" sambit nila Jc at lumapit na kay Arian. Narito kami ngayon sa garden, ano naman kaya ang gagawin nila?
"Madam ano po ang gagawin namin?" tanong ni Dave.
"Fight with me." walang gana niyang sagot habang seryoso itong nakatingin sa tatlo.
Teka... Bakit naman? Anong trip ng babaeng 'to? Hindi niya ba nainisip na baka mapahamak yung baby namin? seryoso ba siya na makikipag bugbugan sa tatlong 'to?
"P-po? baka mapahamak si baby--" hindi na natuloy ni Dave ang kanyang sasabihin dahil sa pinagbabaril siya ni Arian, napakamot na lamang ako sa aking ulo, maswerte siya't nakapagtago sa likod ng isang puno.
"Next." agad na napaatras si Ace dahil nakatingin sa kanya si Arian.
"M-Madam h-hindi p-po a-ako l-lalaban maawa k-kayo." pagmamakaawa ni Ace ngunit hindi siya pinakinggan nito, napatakbo na lamang siya dahil sa kamuntikan na rin itong matamaan ng bala ng baril.
"Next."
"H-Huh? M-Mommy este ma'am Arian sorry po hindi p---" biglang naputol ang pagsasalita ni Jc ng bigla siyang pinaulanan ni Arian ng bala ng baril at gaya nila Ace at Dave ay hindi rin natamaan si Jc, nagtago na rin ang gunggong.
"Last." sambit ni Arian habang kinakasa ang hawak niyang baril, napatingin siya sa'kin at para bang nakaramdam ako ng kaba.
Hala?! Bakit ako?! Ano nanaman ang ginawa ko?!
"L-love naman, bakit ako? Sorry na love please ipagluluto pa naman sana kita ng paborito mo," pakiusap ko sa kanya habang nakanguso, pero kahit na anong gawin kong pagmamakaawa rito ay wala pa ring talab sa kanya, talagang mamamatay na ako rito.
"Love, please wag ka ng magalit, please bati na tayo?" lumuhod ako sa kanyang harapan habang hawak-hawak ang kanyang kaliwang kamay at nginitian ko siya ng napakatamis.
Pero akala ko ititigil niya ang kanyang balak, dahan-dahan niyang itinutok ang hawak na baril sa aking ulo habang ito'y nakangisi.
"Nakakatakot si Miss lead." rinig kong sabi nila Jc. Sinabi niya pa eh talagang brutal ang babaeng 'to.
"Arian anak ano na--" bigla akong napatayo at agad kong niyakap si Arian kahit na alam kong mas lalo siyang magagalit sa'kin, muntik ng makita ni Mom yung ginawa niya kaya naman ay agad ko ring hinalikan ang kanyang tiyan.
"Baby oh, inaaway ako ng mommy mo."
"Zavier sabi mo magluluto ka?" rinig kong tanong ni Mom na ngayon ay nasa likuran ko.
"Opo." tugon ko sabay tayo at hinila ang kamay ni Arian papunta sa sala at doon ay napaupo sa sofa habang ang tatlo naman ay naglakad na papunta rito sa sala, napaupo ang mga ito sa dulo ng tahimik, buti nalang at kalmado si Arian ngayon.
Pumasok na rin ako sa loob ng kusina ngunit napahinto rin ako kalaunan at napakamot ako sa aking ulo, paano nga ba magluto?
"Mom?" tawag ko kay Mom na kakapasok lang rito sa kusina.
"Oh? Hindi ka marunong noh?" tango lang ang naisagot ko, lumapit sa'kin si mom at siya na mismo ang nag demo kung paano magluto ng Sinigang.
~
BINABASA MO ANG
The Mafia Husband and The Assassin Wife
RomansHe's a hot tempered as hell and insolent Mafia Boss who loves to hurt and make other suffer, he can do whatever he want, no one can stop a Mafia Boss like him despite from being childish and stubborn, he possess a multiple talent when it comes to ba...