Chapter 52: Story of The Past

1.3K 54 3
                                    

Aizen's Point Of View

Nagising ako ng makaramdam na parang may kung sino ang bumubuhat sa'kin, naalala ko kung saan patungo kami papatungo ito ay papunta sa mansion nila Viliabyl pero...

Bakit?

Naalala kong si Mr Pozygon pala ang bumubuhat sa'kin kaso...

Ang dugo niya'y tumutulo at paika-ika na rin ito kung maglakad.

Hindi rin nagtagal ay napaupo siya't agad ko itong inalalayan.

"A-Ayos lang p-po ba kayo?" alalang tanong ko.

"Aizen..."

Bigla niya akong niyakap na ikinagulat ko naman.

"M-Masaya akong makita a-ang..." humarap ito sa'kin.

"A-Apo ko..."

Nanlaki ang aking mga mata ng sabihin niya ito. Hindi ko maintindihan ang ibig niyang sabihin.

"Alam mo Aizen, kasalanan ko ang lahat kung bakit nangyari 'to." napayuko siya habang nakahawak sa magkabila kong balikat.

"Yung nakaraan..."

*FLASHBACK*

"Victor, ano sa tingin mo ang pwedeng mangyari?" tanong ni Mariel sa'kin.

"Anong ibig mong sabihin?"

"S-Si France Augustino, yung kaibigan mong Mafia Boss, gusto ko lang malaman k-kung ano sa tingin mo ang pwedeng mangyari kung sakaling makausap ko siya." nakaturo ang kanyang hintuturo sa isa't-isa. Halata naman na nahihiya siya.

"Akala ko ba si Marvic ang gusto mo?"

"H-huh?! Ayoko nga... at isa pa... nakakainis yung ugali niya."

Napalingon kami kay Marvic, as usual marami itong inaasikasong kliyente, hati ang pagiging Assassin Leader niya't pagiging Business Man.

Masasabi mo rin na sobrang lamig niyang kausap at minsan parang wala itong pake sa paligid niya.

"Ang astig niya kaya." nakangiting sabi ko.

"Ayoko sa kanya."

"Ano naman ang nakita mo kay France?"

"A-Actually naging mag kaklase kami since High School to  College, tsaka magkakilala na kami since elementary at hindi pa rin nagbabago ang feelings ko sa kanya."

"Para na rin pala kayong mag childhood best friend ni France, pero okay naman si Marvic ah? siya lang yung tipo ng lalaking nagiging sweet pagdating sayo pero masungit pag dating sa mga katrabaho niya." nakangiting sabi ko.

"Tigilan mo nga ako Victor! hindi porket nagkatuluyan kayo ni Zhia, may forever na."

"Haha! ganun talaga, pareho kaming honest sa isa't-isa."

Nabigla kami ng lumapit si Marvic sa kinaroroonan namin.

"M-Mariel, okay lang ba kung i-invite kitang mag dinner?"

Pagdating talaga kay Mariel para siyang maamong tupa, ganito siguro ang epekto ng pag-ibig sa kanya.

"Ayoko nga, ang cold mo eh." sabay tumalikod ito.

"B-But I'm trying to." hindi na siya pinakinggan nito't nagdire-diretso siya sa paglalakad.

Napabuntong hininga na lamang ito't hinaplos ko ang kanyang balikat.

"Magugustuhan ka rin niya."

Halos matawa ako ng mamula ang pisngi niya pero binalik niya ang sarili niya sa pagiging isang malamig.

The Mafia Husband and The Assassin WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon