Minulat ko na ang aking mga mata at nasilawan ang isang napakaliwanag na ilaw, napalingon ako sa gilid ko at nakita ko si Shookey. May bandage na rin ang tama ko sa braso gayun ang noo ko.
"Z-Zavier! buhay ka!" hindi makapaniwalang bungad niya.
"Akala ko nasa impyerno ako, bakit nasa langit ako?"
"A-ang totoo niyan... nakita kita bago sumabog ang granada na hawak mo, nawalan ka na ng malay bago pa man kita madala rito." muli kong binalik ang atensyon ko sa ilaw.
"Paparating na rin sila Arian, nasabihan ko na sila tungkol dito."
Agad kong kinapa ang bulsa ko ngunit wala rito ang itim na bracelet, sinubukan kong tumayo ngunit pinigilan ako ni Shookey.
"Z-Zavier? A-anong hinanap mo?"
"Wala ka na ro'n!" sabay bumalik ako sa pag higa.
Mayamaya lang ay may biglang pumasok sa loob at nakita ko si Arian kasama sina Jc, Ace at Dave.
"Boss! bakit mo nilusob si Eric ng mag-isa!" saad ni Ace.
"Tanga ako 'tong nilusob niya nananahimik ako tapos papakealaman niya ako!"
"Boss may dala kaming pagkain." nakangiting sabi ni Dave at nilapag niya ito sa lamesa.
Hindi ko pinapansin si Arian, hindi ko alam pero parang nawawalan na ako ng gana na kausapin siya, mas naka pokus ako sa soulmate ko kaya dapat lang na hindi ko na siya isipin.
"Arian." napalingon ako ng makitang nag-uusap silang dalawa ni Shookey pero ang mas nakakabigla dito ay nakita kong hawak-hawak niya ang itim kong bracelet na kanina ko pa hinahanap, nakaramdam ako ng matinding galit dahil dito.
"Shookey! Sa'kin yan! ibigay mo sa'kin yan kung ayaw mong mamatay!" halos madapa ako para lang agawin ito sa kanya, hinawakan ko ang kanyang kwelyo at akmang susuntukin ng bigla akong pigilan nila Jc.
"Kanina ko pa 'to hinanap tapos ngayon ipapakita mo lang 'to sa babaeng yan! kunin niyo na ang lahat sa'kin 'wag lang itong bracelet ko dahil bigay 'to ng Soulmate ko!" halos magwala ako dahil sa galit.
Ayoko talaga ng pinapakealaman ang gamit ko lalong-lalo na ang bracelet na yan.
"Zavier I..." para bang nag-aalinlangan siyang sabihin ang kung ako man 'yun, siguradong gusto niyang sabihin na mahal niya ako at ayaw niyang iwan ko siya dahil sa sinabi kong soulmate ko, pero dahil naaalala ko nanaman ang mga ginawa niya sa'kin noon, ito na ang hinihintay ko! sisiguraduhin kong pagsisisihan niya ang ginawa niyang pananakit sa'kin!
"Pasensya na Arian pero hindi kita mahal, hindi totoo ang sinabi ko kay Dorix na mahal kita, hindi ko rin palalagpasin ang ginawa mong pag hihirap sa'kin at ngayon wag kang lalapit sa'kin para sabihin mong mahal mo ako! wala akong pake kung masaktan ka, ito ang totoo kong nararamdaman." nakangiti kong sabi ngunit tahimik lamang ito.
Napalingon si Shookey dito na walang ekspresyon ang mukha at mas lalo lang naging malamig ito, nakita kong kinagat niya ang pang-ibaba niyang labi at nagulat ako ng bigla siyang lumabas ng kwarto.
"Boss, lagot." saad ni Jc.
"Anong lagot do'n?!"
"Nasasaktan rin si Ma'am Boss, hindi mo man lang pinatapos yung sasabihin niya." nag-aalalang sabi ni Ace.
"Dapat lang 'yun sa kanya, at least nakabawi na ako!" sabay tumawa ako ng parang isang demonyo. Sinundan ni Shookey si Arian pero wala akong pake kung ano man ang naramdaman niya.
"Boss, ang sama mo paano kung makipag hiwalay sayo si Ma'am?" nakasimangot na tanong ni Dave.
"Edi makipag hiwalay siya! may soulmate naman ako!"
BINABASA MO ANG
The Mafia Husband and The Assassin Wife
Lãng mạnHe's a hot tempered as hell and insolent Mafia Boss who loves to hurt and make other suffer, he can do whatever he want, no one can stop a Mafia Boss like him despite from being childish and stubborn, he possess a multiple talent when it comes to ba...