Zavier's Point of View
"Son, Dito kayo ngayon titira." sabay turo ni Dad sa isang napakalaking Mansion. Naalala ko noong binigyan ako ni Dad ng isang papel at lapis, pina-drawing niya ako ng kung anong bahay ang gusto ko at pinakulayan na rin. Parang bahay kubo ang ginawa ko dahil hindi naman ako marunong mag drawing! Pero buti nalang ang magaling ang architect. Kuhang-kuha niya ang design na gusto ko!
"Kelan matatapos yong arrange marriage lang naman?" biglang pumasok sa isip ko ang tanong na 'to.
"Bakit anak? Gusto mo talaga siyang pakasalan ng totoo?" bigla naman akong nakaramdam nang inis dahil sa sagot niya.
"Bakit ko naman siya pakakasalanan?! sa katunayan nga hindi naman ako pumayag tungkol dito!"
"Actually... hindi naman dapat talaga arrange marriage ang mangyayari pero dahil sa pareho kayong may hindi magandang sitwasyon ngayon ay Arrange Marriage muna ang mangyayari." paliwanag niya.
"So hanggang kelan 'yan?"
"Kapag naging mabuti kana." sabay tinulak niya ako papasok sa loob.
"Ayoko!" pasigaw kong sabi sa kanya habang naka kunot ang aking noo. Ayoko talagang tumira dito na kasama ang babaeng 'yun, nagbago na ang pagtingin ko sa kanya kaya mas mabuti na ang lumayo sa katulad niya.
"Anak naman sige na. Pumasok kana sa loob at hinihintay ka na nang misis mo."
"Doon nalang ako sa inyo titira!" pwede naman ako magpakasal sa iba, ayoko talaga sa kanya!
"Kung ayaw mong tumira rito doon ka sa kalye matulog!" sabay tinulak niya ako dahilan para madapa ako at napabuntong hininga na lamang ako.
"Good morning Mr Tiu." bati sa'min nang matandang babae.
"Good morning! This is Zavier, my Son." pagpapakilala ni Dad sa'kin rito at nginisian ko lamang ito.
"Oh? Ikaw na pala ang napang-asawa ng alaga ko, Ako nga pala si Gretchen." sabay abot niya nang kanyang kamay, hindi ko naman ito tinanggap.
"Oh tapos?" nagulat naman siya sa inakto ko, ito lang naman ang inaasahan ko mula sa kanya at ganito naman ako sa kahit na sino.
"Mukhang tama nga yung sinabi mo sa'kin Mr Tiu." nag-aalalang sabi ni tanda.
"Yes! Si Arian na ang bahala sa kanya at sana nga ay matulungan niyang baguhin ang anak ko." saad ni Dad. Takte para lang akong pinapaampon.
Isa pa walang kahit sino ang magpapaamo sa'kin! Walang kahit sino ang may kayang kumontrol sa gusto ko! Alam ko naman na katulad lang naman siya sa mga babaeng kilala ko kaya magiging madali na rin siguro kung hahayaan ko nalang na dito na muna ako.
"Pumasok na po kayo Sir Zavier." utos nito, agad naman akong pumasok at kinuha ang mga gamit ko.
Malawak naman ang kwarto pero iisa lang ang kama, maganda rin sana kung magulo ito at aayusin niya pag nakita niya ang kwartong ito.
"Hoy tanda! Kuhaan mo 'ko ng juice!" utos ko kay tanda.
"Okay sir."
Makalipas ang limang minuto ay narito na rin siya sa aking harapan.
"Bakit ang tagal mo? Juice na nga lang ang kukunin mo umabot kapa ng limang minuto!" sabay tinapon ko ang baso sa sahig dahilan para mabasag ito.
BINABASA MO ANG
The Mafia Husband and The Assassin Wife
RomanceHe's a hot tempered as hell and insolent Mafia Boss who loves to hurt and make other suffer, he can do whatever he want, no one can stop a Mafia Boss like him despite from being childish and stubborn, he possess a multiple talent when it comes to ba...