Sandra's Point Of View
Pinagbabaril ko ang mga kasabwat nila Vivian, mga naka grey hood silang suot ang ang mga tauhan ni King Marcos ay naka black hood at may tatak na white tiger sa right side ng kanilang dibdib.
Pinaulanan ako ng baril ng isa sa mga Death Traders at ngayon ay nagkaharap kami.
"Professional Assassin vs Professional Spy, sino kaya satingin mo ang mananalo?" nakangising tanong ni Rio, isa siya sa mga miyembro ng Death Traders Clan at kilala ko ang pagkatao niya dahil sa tungkulin ng mga Spy ang maghanap ng impormasyon ay sinama ko na ang tungkol sa kanila.
Ini-handa ko ang hawak kong baril, Akala niya papatalo ako.
Chad's Point Of View
Bigla akong umiilag sa kalaban kong may hawak na Hook Sword at punyemas nahiwa sa gitna yung baril ko.
Mayamaya ay bigla niyang iniwasiwas ang kanyang armas sa akin buti nalang ay mabilis ko itong naiwasan at isa pa malapit na niya akong matamaan! Aminado akong mga expert talaga ang mga ito!
Kinuha ko ang isang mamahaling Vase na dekorasyon sa gilid at hinagis sa kanya ngunit hindi ko inakalang nahiwa niya ito ng walang kahirap-hirap at pinagsisipa ko naman ang mga lamesa't upuan papunta sa kanya.
Nang ako'y lumingon ay nakita ko ang isang Shot Gun at bigla akong nabuhayan, agad ko itong kinuha at dumapa sa sahig. Makukuha ko na sana ang Shot Gun pero tinapakan ni Annika ang aking kamay.
Napatingin naman ako sa likod ko, Nakita kong tumatakbo papalapit sa'kin ang nakasalamuha ko kanina ngunit mayamaya lamang ay may isang Kunai ang nalipad papunta sa kinaroroonan nitong kalaban ko at sumakto itong tumama sa kanyang ulo. Napatingin ako sa kung sino ang may gawa. Hindi ko akalaing tutulungan ako ni Miss Lead! nakakataba ng puso ang pagligtas niya sa poging katulad ko.
Tumakbo naman itong si Annika, duwag na bata kaya naman ay hinabol ko.
Zavier's Point Of View
Binubugbog ko ang mga naka suot ng grey na hood na humaharang sa amin ni Arian ang isa naman binalian ko ng leeg at muli kong hinila ang kamay niya.
Mayamaya ay sumugod dito ang lalaking muntikan ng makabaril sa'kin kaya naman pinalikod ako ni Arian Pagkatingin ko sa aking likuran ay may isa pang kalaban.
Isa siyang babae na may hawak-hawak na latigo. Ngayon lang ako papatol ng babae.
Phoenix's Point Of View
"Well I'm Phoenix and I'm one of the Death Traders Memb--"
"So?" walang emosyon niyang tugon.
Nagpakumbaba na lamang ako't hinarap siya ng may halong pagrespeto sabay pinaikot-ikot ko ang aking baril.
Walang humpay ko siyang pinatatamaan ng aking mga bala ngunit nagulat ako sa ginawa niya ng sinalo niya ang mga bala na para bang mga maliliit na bola lang at ngayon ay umuusok ang kanyang kanang kamay, ang kanyang mga mata ay saglit na naging kulay lila.
"Wow, Ang galing." manghang sabi ko habang pumapalakpak ngunit bigla niyang hinagis sa'kin pabalik ang mga balang nasa kanyang kanang kamay.
Sobrang bilis, hindi na ako magtataka na isa siya sa mga pinakamahusay na Anak ni Madam Mariel pero isang karangalan para sa'kin ang makalaban ang isang katulad niya. Nabalik ako sa realidad at kinabahan ako kaya agad akong umilag nang mahigit isang pulgada na lamang ay matatamaan na ako ng bala sa aking noo.
Kamangha-mangha talaga,sobrang bilis niyang kumilos animo'y para itong isang kidlat. Hindi nga ordinaryo ang mga Assassin na tulad namin sapagkat abilidad na talaga namin na mas malakas ang pandama ng sampung beses kaysa sa mga ordinaryong tao. Maliban nalang sa mga Lowclass na mga Assassin.
BINABASA MO ANG
The Mafia Husband and The Assassin Wife
RomanceHe's a hot tempered as hell and insolent Mafia Boss who loves to hurt and make other suffer, he can do whatever he want, no one can stop a Mafia Boss like him despite from being childish and stubborn, he possess a multiple talent when it comes to ba...