Someone's Point Of View
Nandito pa rin kami sa kalsada ng biglang magsalita ang isa samin habang pinag mamasdan ang mga tao na nag-tatakbuhan.
"Ibibigay ko sa inyo ang mga misyon niyo." sabi ng leader ng grupo namin na si Master Goi. "But Shookey will be the first one, iisa-isahin ko kayong ipapadala kay Arian." dagdag nito kung kaya't napalunok ako nang sunod-sunod.
"Okay Master! Sino ba ang target?" hindi ko pinahalata kay Master na kinakabahan ako, parte ako ng grupo kaya dapat umakto ako na parte nila.
"Syempre si Arian." direktang sagot nito.
"S-Seryoso ka Master?!" natatakot ako sa kanya at hindi ko alam kung naaalala niya pa ako. Nalaman namin ang detalyeng ito kay Madam sa "Palace Of Knight" kung saan ang mga Black Assassins ay naroon at nagpupulong. Wala akong ideya kung anong nangyari pagkatapos pero normal lamang siya noong makilala ko siya.
12 years ago noong binisita ni Madam ang "Palace Of Knight" kasama ang kanyang mga anak, narito rin ang tinatawag nilang Demonic Experiment kung saan ito ay nagbibigay nang kakaibang lakas sa mga napiling tao at napapabilang ako sa eksperimentong ito kasama na ang 12 Zodiac Assassins.
"Mommy ano pong lugar 'to?" rinig kong tanong ng batang babae habang nakahawak sa kanyang nakakatandang kapatid na lalaki. Mabuti na lamang at malakas ang pandinig ko at 'yun ang naging resulta ng sumalang ako sa eksperimentong mahigit isang taon.
"Wag kang matakot anak, maraming laruan dito." hindi ko akalaing gagawin ito ni Madam sa sarili niyang mga anak.
"Talaga Mommy? kuya! kuya! Laro tayo ha?" masayang alok niya sa kanyang nakatatandang kapatid na lalaki ngunit halata mo ang panginginig at pagkatakot nito sa kanyang mga mata.
"Kuya okay ka lang?"
"Oo... Okay lang si kuya." pilit itong ngumiti ngunit namumutla na ito sa takot, pakiramdam ko ay alam niya na ang mangyayari kapag isinalang siya sa Laboratoryong ito.
Mayamaya pa ay lumapit ako kay Madam upang batiin siya.
"Magandang hapon po, Madam."
"Hello po! Bakit may mahabang kayong tenga? Para po kayong aso haha!" natawa ako ng inilarawan niya ang aking itsura at ito ang simbolo ko bilang miyembro ng 12 Zodiac Assassins.
"Kuya! Kuya! Tao po ba siya?" tanong nya sa kuya niyang namumutla na halos manginig ito sa takot ng makita ang aking itsura. Lumungkot ang aking mukha ng maisipan ang posibleng dahilan, alam kong ayaw niyang matulad sa'kin ngunit wala rin akong magagawa para sa kanilang dalawa.
"H-hindi ko alam." tanging sagot niya sa kapatid.
"Pumasok na kayo sa loob." utos ng kanilang Ina. Nakaramdam ako ng awa sa magkapatid lalong-lalo na sa batang babae na walang kamalay-malay.
"Mommy marami pong games sa loob?" masayang tanong nito sa kanyang ina at tumango lamang ito.
"Tara na kuya!"
"Ayoko!" nanlaki ang mga mata ni Madam ng tanggalin nito ang kamay ng kanyang ina sa kanya.
"Anak, Pumasok na kayo sa loob." pag pupumilit nito.
"Mom, Paano mo nagawa to sa amin?!" naiiyak na tanong ng batang lalaki.
"Anak, Maglalaro lang kayo sa loob. Sige na bunso, pumasok na kayo ng kuya mo sa loob."
"Kuya tara na." hinila niya ang kamay ng kapatid papasok sa loob at muling lumungkot ang aking mukha at ipinagdasal ko na sana buhay pa rin sila pag labas ng laboratoryo sapagkat maliit ang tiyansang mabubuhay sila dahil hindi ordinaryo ang nasa loob.
BINABASA MO ANG
The Mafia Husband and The Assassin Wife
RomanceHe's a hot tempered as hell and insolent Mafia Boss who loves to hurt and make other suffer, he can do whatever he want, no one can stop a Mafia Boss like him despite from being childish and stubborn, he possess a multiple talent when it comes to ba...