Kinaumagahan ay agad akong nagpaalam kina Mom, saktong tulog pa si Arian kaya kailangan kong bilisan.
"Mom kayo na munang bahala kay Arian." sabi ko ng makababa mula sa kwarto.
"Anak saan ka nanaman pupunta?"
"Babalik rin ako."
Ayokong mag-alala silang dalawa dahil ito ang responsibilidad ko bilang lalaki at bilang Mafia King, hindi ko hahayaang madamay ang pamilya ko.
"Anak umayos ka, kailangang kailangan ka ng asawa mo tsaka ng baby niyo."
"I know Mom, promise babalik ako agad."
Napabuntong hininga muna ito bago mag salita. "Mag-iingat ka."
"Okay Mom, thank you."
Sabay niyakap ko siya at pagkatapos nito ay dumiretso na ako sa kotse ko. Ilang saglit lang ay naka receive ako ng isang mensahe mula kay Ace, binuksan ko ito't binasa.
"Nandito na po kami King sa building at pinapalibutan na namin sila ang kaso apat lang sila at wala doon si Machael Lorejo."
Agad kong binilisan pag d-drive, 'di rin nagtagal ay pinahinto ko ito sa isang tagong lugar at tinawagan ang isa sa mga tauhan ko.
[Hello King Zavier?]
"Ipadala mo ang mga men in black ko rito sa abandonadong building."
[Masusunod po]
Binaba ko na ang tawag at agad kong kinuha ang aking assault riffle at ikinasa.
Nakainig ako ng barilan sa baba ng building, agad akong pumasok sa loob pero bago pa man ako tuluyang makapasok ay pinaulanan ako ng isang kalaban ng bala ng shot gun at mabuti nalang ay agad akong gumulong sa sahig at pinag babaril ito ng maubusan siya ng bala.
Muntikan naman akong mabaril ng isa pero buti nalang at agad akong gumilid sabay binaril ito, umakyat na ako papuntang 2nd floor pero sa tingin ko hanggang 10th floor ang building na ito.
Hinagisan ako ng isa sa tatlong nakaharang sa"kin ng isang kutsilyo pero buti nalang mabilis akong nakaiwas at ginantihan sila ng baril sa ulo.
Dumiretso na ako sa 3rd floor, nandoon ang isa sa apat na mga Mafia Boss at may balak pa siyang tumakas!
Umakyat ito papuntang 4th floor pero hinabol ko siya habang pinagbabaril.
Napangisi ako ng malamang ubos na yung bala ng Assault Riffle ko kaya naman agad kong kinuha ang pistol na baon ko sa likod at kinasa ito.
Nang makaakyat na ako sa 4th floor ay agad ko itong binaril pero naiwasan niya ito ng binuksan niya ang pinto ng isang kwarto at pumasok sa loob. Sinundan ko siya ngunit bago pa man ako makapasok sa loob ay hinampas niya ako ng kahoy sa ulo.
Ang problema nga lang ay matigas itong ulo ko kaya't hindi ito tumalab, sinipa ko ang tiyan niya at tumilapon siya.
Nakilala kong siya si Oliver, may dala-dala pa siyang briefcase.
Pinagbabaril ko siya hanggang aa tuluyan na itong mawalan ng malay. Agad kong tinignan ko naman ang laman ng dala niyang briefcase at napangiti ako sa nakita ko. Nice ang gaganda ng mga revolver kaya naman ay pinagkukuha ko ang mga ito.
Nagulat ako ng may biglang bumabaril sa aking pwesto pero hindi naman ako natamaan dahil agad akong nakapagtago sa gilid ng pader.
Mayamaya ay may naghagis ng granada sa kinaroroonan ko, pero agad ko itong kinuha't tinapon sa kanila at agad akong sinipa ang bintana para doon dumaan paakyat sa 5th floor, nakarinig ako ng pagsabog at kamuntikan ng mahagip ng apoy pero buti nalang narito na ako sa tapat ng bintana ng 5th floor.

BINABASA MO ANG
The Mafia Husband and The Assassin Wife
RomanceHe's a hot tempered as hell and insolent Mafia Boss who loves to hurt and make other suffer, he can do whatever he want, no one can stop a Mafia Boss like him despite from being childish and stubborn, he possess a multiple talent when it comes to ba...