Chapter 44

24.1K 598 21
                                    

3rd Person's Point Of View

"Yohan! Tignan mo parang may kalaban tayo oh!"

"Huh? Where?" sabay kuha ng Binocular Scope at sinilip ang mga lalaking nakasuot ng itim, Bumaba naman si Aizen sa sofa at may kinuha.

"Aizen? What are you doing?"

"Shhh! basta! labanan mo sila ah? Ako ng bahala sa trap haha!"

~

Dumiretso ang mga ito papasok sa loob ng mansion.

"Sige, pasukin niyo." utos mula kay Shiro at tumango naman ang mga ito.

Nang mabuksan na nila ang pinto ay wala silang nakitang mga tao at tatlo silang papasok sa loob ng bagay. Humakbang sila ng tatlong beses pero bigla nalang may nahulog na sako na na plantsa mula sa taas ng pinto't kung kaya't nawalan ng malay ang dalawa, si Aizen mismo ang nag bitaw ng ng tali kaya sila natamaan nito.

~

Zavier's Point Of View

Papunta kami ngayon ni Arian sa isang event at imbitado kami,kinakabahan ako sa dalawa baka kung ano na ang nangyari sa kanila pero sabi ni Arian kaya naman daw nila kaya tiwala lang!

Pagkapasok namin rito sa isang room ay merong sampung mga nakikimeeting sa'min at satingin ko ay galing sila sa ibang bansa. Tahimik lang sila habang nakaupo at ang iba ay nag aalinlangan pa.

"Nandito na pala kayong dalawa." nakangiting sabi ng babae na nasa edad 30 pataas na siguro.

Nakipag kamayan siya sa'kin kaya tinanggap ko naman, ilang segundo pa ay inangat niya ang kanyang kaliwang kamay pero hinawakan iyon ni Arian habang malamig itong nakatitig rito.

Mabilis na tinanggal ng babae ang kanyang kamay na naka hawak sa'kin, nagulat ako sa sumunod niyang ginawa. Kumuha siya ng kunai na mula sa kanyang likod at muntikan na niya akong masaksak pero sinipa ito ni Arian sa tiyan kaya tumilapon ito.

Sinipa niya naman si Arian pabalik at binunot ko yung pistol ko pero agad siyang humarap sa'kin at inagaw ito, hindi naman siya nakaligtas ng palibutan siya ni Arian ng kunai sa leeg.

"Oh? That's weird, hindi ko napansin na nakuha mo ang Kunai na hawak ko, pero cheater ka naman dahil ginamit mo pa ang mata mo para lang matalo ako." nakangising sabi niya pero agad siyang pinakawalan ni Arian at hindi iton pinansin, binalik niya naman yung baril ko.

"Okay lets start!"

Sa tono ng pananalita niya akala mo parang walang ginawa sa'min. Umupo si Arian sa isang vacant seat at sumunod akong umupo sa tabi niya.

"By the way my name is Viliabyl at ako ang nagpatawag sa inyo." sabay uminom ng wine.

"Love sino siya?" pabulong kong tanong kay Arian.

"Viliabyl nga ang pangalan ko Zavier!" iritang sabi ng babaeng ito.

"Hindi kita kinakausap, manahimik ka." muli akong tumingin kay Arian, "Sino siya?"

Magsasalita na sana ito kaso inunahan siya ng babaeng 'to.

"Again I'm Viliabyl 34 years old, isa ako sa mga Legendary Assassin at itong kasama ko na kanina pang tahimik siya si Rex."

"Edi wow." mahinang bulong ko.

"Anong sabi mo?!"

"Wala, sabi ko proceed ka na." tinarayan muna ako nito't bago siya magsimula.

~

3rd Person Point Of View

"Kayo ng bahala diyan sige." utos ni Shiro sa mga tauhan nito't sumakay na sa kotse.

The Mafia Husband and The Assassin WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon