Chapter 24

30.6K 732 45
                                    

Nang ako'y magising kinaumagahan ay nakita ko si Arian na nasa tabi ko at mahimbing ang tulog, nakangiti akong pinagmamasdan siya, grabe sobrang ganda niya talaga.

Hahalikan ko na sana ang kanyang labi ng bigla na lamang nag ring ang Cellphone ko. Padabog ko itong kinuha at sinagot.

"Hello?"

[Boss! Kamusta ka na?!]

"Okay lang!" pasigaw kong sabi, Nambitim nanaman kasi! Pagkakataon ko na sana eh! pero napatikom ako ng biglang nagising si Arian kung kaya't napakamot ako sa aking ulo.

Tumingin siya sa'kin pero umiwas rin ito sabay humikab, bakit ba ang hot niya lalo na kapag humihikab siya?! Tumayo na ako at dumiretso sa dinning area dahil sa nagugutom na ako.

Mayamaya ay nakita ko sila Mom and Dad habang kausap si Mr Marvic, Ano naman kaya ang ginagawa ng mga ito rito?

"Oh nandito na pala si Zavier." rinig kong sabi ni Mr Marvic.

"Anak, good news!" nakangiting saad ni Dad.

"Anong good news?"

"Sabihin mo na Robert! "tugon ni Mom habang niyuyugyog ang braso ni Dad.

"Na-eexcite na akong sabihin, saglit lang." sabi ni Dad at huminga ito ng napakalalim.

"Robert! Wag mo nang patagalin."

"Ganyan talaga kapag naeexcite na ang mga future lolo." saad naman ni Mr Marvic habang nakangiti.

"Okay Zavier naayos na namin yung passport nyo papuntang America."

"Eh ano namang meron do'n?" kunot noong tanong ko.

"Ang Slow Mo Anak, doon niyo itutuloy yung honeymoon." pagpapaliwanag ni Mom.

"H-Honeymoon?!"

"Anak naman malapit nang mag end yung collage days mo tsaka diba magkakaroon pa kayo ng ball dance party? Sa friday na pala ito gaganapin eh tuesday na ngayon." masayang tugon ni Mom habang pinilisil itong pisngi ko.

"Hanapan mo na ng masusuot itong anak mo dapat yung elegante na as in mapapanganga ka nalang sa sobrang gwapo ng anak mo." rinig kong sabi ni Dad.

"Tama, nagmana siguro yan sayo diba Robert?" pagsang-ayon ni Mr Marvic.

"Siyempre nasa lahi namin 'yun."

Mga ewan talaga... pero tama sila, mga gwapo ang lahi namin.

"Mamaya ko na sasabihan si Arian." sabi ni Mom.

"Bakit sa America? Tapos hindi kayo kasama."

"Anak naman, siyempre dapat sa lugar kung saan hindi kayo pwedeng masundan ng mga kaaway tsaka alam ko nagbalik sila sa Europe."

"Wag kayong mag-alala, protektado na kayo ni Marcos." tugon ni Mr Marvic sabay kinindatan ako.

"Ah si bayaw?" tanong ko at tumango naman ang mga ito.

Mr Marvic's Point Of View

Buti nalang at hindi nag mana yung panganay ko sa kanyang ina, kahit na hindi ako ang Biological Father niya ay masaya pa rin ako dahil tinuring niya pa rin akong isang Ama, nag papasalamat talaga ako at hinayaan niya akong makausap siya ng maayos.

*FLASHBACK*

"Marcos, hindi ka na ba babalik sa bahay? kahit bumisita kalang."

"I want to, but don't expect too much from me, I won't promise if I can visit, I want to protect Sister."

The Mafia Husband and The Assassin WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon