Chapter 32

19.4K 499 206
                                    

Tyler's Point Of View

"Kamusta." bati ni RA29.

"Maayos lang naman ako." nakangiting sabi ko.

Isa ako sa mga tumulong sa kanila kung tutuusin, matagal na panahon na ang nakalipas nang mawalan ng malay ang kasamahan kong Doctor na Scientist, pero tsaka ko na sasabihin sa kanya ang dahilan kung bakit sumailalim din siya sa isang eksperimentong ginawa sa kanya ni Dad kapag dumating na ang tamang panahon.

"Kung kailangan mo ng tulong, tawagan mo lang kami." saad ni Tric.

"Sa totoo lang, meron akong favor sa inyo."

"Sige sabihin mo na Tyler!" sigaw ni Stonehead.

"Gusto ko sanang patayin niyo si Zavier Max Tiu at ibibigay ko ang kalahating porsyento ng kayamanan ko sa inyo." seryosong sabi ko at mukha namang napaisip sila, mga ilang minuto rin ang nakalipas bago magsalita si RA29.

"Hindi pwede," nakangiting sabi niya.

"Bakit naman?"

"Hindi mo na kailangan pang malaman," pagkasabi niya nito ay agad siyang lumabas ng kwarto.

Bakit naman? Anong kailangan niya at pinapatagal niya pa ang mga ito na mamuhay ng matagal sa mundo?

Sandra's Point Of View

Nandito lang naman kami sa mall kasama sina Miss Lead, King Zavier, Chad tsaka yung tatlong sira ulo at isa pa ay para kaming may kasamang mga bata ni miss lead kung tutuusin, Pero pansin ko lang na napakaraming tao ang nakatingin sa aming pito.

"Waah! Ang gwapo ng mga lalaking kasama nila! tsaka ang gaganda ng mga babae!"

"Omg! Ang g-gwapo! lalo na yung naka black t-shirt." si Zavier ang tinutukoy niya.

"Sus! mas gwapo pa ako diyan sa limang yan!"

"Oo nga!"

"Ang gwapo ko nga rin eh!"

Narinig siguro ng limang kasama namin ang mga sinabi ng mga pabibong lalaki kaya sumeryoso ang kanilang mga hukha, delikado talaga itong limang ito eh, ayaw pa naman nilang magpatalo.

"Who's that shit?!" tanong ni King Zavier.

"Oo nga! pucha sinong nagsabing may mas g-gwapo pa sa'min ha?" iritang tanong ni Chad, sus akala mo naman talaga.

"Ano Boss? Kitilan naba natin ng buhay?" inis na tanong nila Jc.

Susugurin na sana nilang lima yung tatlong lalaki ngunit hinarangan sila ni Miss Lead, napangisi naman ang lima, napabuntong hininga na lamang ako dahil sa inakto nila.

Nilingunan ni Miss lead ang tatlong pilingero at as expected natameme ang mga ito na parang ngayon lang nakakita ng magandang babae.

Nakita ko kung paano nginisian ni Miss lead ang tatlo kung kaya't napaatras ang mga ito, muli niyang binalik ang kanyang attention sa amin at ito'y naglakad na, sumunod na rin ako sa kanya. Parang na-busted yung tatlo kung nagkataong nasa High School days palang si Miss lead hahaha!

Yey! mamimili kami ng pagkain pero bago pa kami pumasok do'n ay nagpaalam muna yung lima na bibili ng Milk Tea.

Pinagbigyan naman sila ni Miss lead, pitong Milk Tea ang binili nila akala ko talaga na hindi ako bibigyan ng limang 'yun pero kapag nangyari 'yun ay isusumbong ko talaga sila kay Miss lead.

Tumuloy na kami sa loob, yung lima naman ay namimili ng mga kettle corn at kung ano-ano pang mga junkfoods habang kami naman ni Miss lead ay namimili ng mga delata, seafood at iba pa.

The Mafia Husband and The Assassin WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon