Chad's Point Of View
Nang makababa na kami rito sa aircraft na sinasakyan namin ay agad naming sinugod si King sa kwarto nila Mr Marvic, hindi kami pwedeng pumunta ng hospital dahil maraming mga spy ang nasa labas.
Hiniga namin siya rito sa kama at nag patawag na si Mr Marvic nang isa pang doctor.
Lumapit sa kanila sina Sandy at pinatahan si Ma'am Kristina, pinakinggan naman ni Kryssa ang tibok ng puso King pero nagulat kami ng hampasin niya ang dibdib nito.
"Kryssa anong ginawa mo?!" kunot noong tanong ni Ma'am Kristina.
"Okay na po siya, hindi po kasi tumitibok yung puso niya kanina pero buti nalang nahampas ko agad, p-pasensya na po."
"Doctor ka?" tanong ko.
"Hindi ako Doctor pero si uncle may alam siya at tinuruan niya lang ako kung paano sagipin yung isang tao na nag-aagaw buhay."
"Nalason kaya siya?" tanong mula kay Sandy.
"Posible, kasi kanina diba pinainom siya ni Ma'am Arian ng antidote?"
"Ahh kaya pala, pero saan naman niya kaya nakuha'yun?"
"Saan pa ba edi doon sa loob ng sinakyan nating aircraft."
Ilang saglit lang ay may mga nag sisipag-iyakan na sanggol na nagmula sa isang kwarto.
"Tahan na mga baby nandito na si Daddy niyo."
Pinatahan ito ng isang Doktora habang pumaroon naman sina Sandra at Kryssa habang pinagmamasdan ang dalawang sangg, kinuha nila ito at dahil sa kuryusidad ko ay agad akong sumunod sa dalawa.
"Wow! ang cute!"
"Omg! ang cute."
Grabe ang cute ng mga 'to! Hindi na ako magtataka kung sakaling lumaki ang mga baby na 'to magiging kamukha nila ang mga magulang nila.
"Nagugutom na yang mga baby, ito oo." sabay inabot sa'kin ni Ma'am Kristina ang dalawang bote na may gatas.
Kamusta na kaya si Miss Lead?
3rd Person's Point Of View
Napadpad sila sa loob ng palasyo, pareho silang malalakas kaya mas nawasak pa ang loob ng palasyo.
Sinipa ni RA29 ang Table kay Arian pero agad siyang tumakbo paakyat ng pader at nag backflip kasabay ang paghagis niya ng mga shuriken, agad na kinuha ni Ra29 ang isa sa mga paintings at ginamit biglang proteksyon sa mga shuriken kasabay nito ay ginawa niyang boomerang ang hawak niyang ito at pinalipad papunta sa kinaroroonan ni Arian pero nahati niya ito sa gitna at hindi natamaan, tumama ang paintings sa magkabilang pader sapagkat bumaon pa ito sa pader.
May hawak na tatlong kutsilyo ngayon si RA29 at hinagis niya ito sa kinaroroonan ni Arian, pakalat ang estilo ng mga kutsilyo habang naglalakbay palapit kay Arian ngunit nahuli niya ang tatlong kutsilyo kasabay nito ay hinagis niya itong lahat pabalik kay RA29, paikot-ikot naman ang mga kutsilyo habang papalapit kay RA29 pero nailagan niya ito.
Nilabas ni RA29 ang kanyang baril at pinagbabaril si Arian ng tatlong beses, gaya ng nangyari sa mgs kutsilyo niya, pakalat na lumapit ang mga bala ng baril niya kay Arian pero nailagan niya lamang ang mga ito at gaya rin sa kutsilyong hinagis niya kanila nagpakawala siya ng tatlong bala sa kanyang baril at papalapit ang mga ito kay RA29 ngunit muli niya nanaman itong naiwasan dahil sa nagbackflip ito kung kaya't hindi siya natamaan.
Pagkabalik niya sa kanyang pwesto ay laking gulat niya ng nasa harapan niya na si Arian habang nakatutok ang nuclear gun nito.
Walang pasabing binaril agad ni Arian sa mukha itong si Ra29 kaya naman wasak na wasak ang kanyang mukha habang nangingisay ang buo nitong katawan. Pinagbabaril siya ni Arian gamit ang nuclear gun na si Shookey mismo ang nagbigay sa kanya. Pagkatapos nito ay lumabas na siya ng palasyo.
BINABASA MO ANG
The Mafia Husband and The Assassin Wife
Roman d'amourHe's a hot tempered as hell and insolent Mafia Boss who loves to hurt and make other suffer, he can do whatever he want, no one can stop a Mafia Boss like him despite from being childish and stubborn, he possess a multiple talent when it comes to ba...