Chapter 34

26.6K 652 22
                                    

Zavier's Point Of View

"Zavier iho!" rinig kong sigaw ni dad, napatakip naman ako sa aking tainga.

"Nasaan na ang apo namin?!" tanong ni Mr Marvic, hindi pa man ako nakakapagsalita ay bigla naman silang binatukan ni mom, mukhang malinaw talaga kung saan ako nanggaling.

"1 week palang wag masyadong excited!" sabi ni Mom.

"Dapat doon muna natin patuluyin si Arian sa bahay ng mabantayan natin siya ng mabuti," saad ni Dad na ikinangisi ko naman.

"Oo kapag lumabas na yung apo natin tayo ang mag-aalaga, ayos ba Robert?" sabi ni Mr Marvic.

"Ano? Hindi pwede! Ako ang mag-aalaga sa anak namin!" pasigaw kong sabi sa kanila.

"Anak kami din!"

"Oo nga! lolo naman kami?"

"Eh ako ang daddy eh!" muli kong sigaw sa kanila.

"Kami ang mag-aalaga!" pasigaw na sabi ni dad.

"Ako!"

"Kami!"

"Ako!"

"Kami!"

"Ako!"

"Kami!"

"Mag sipag tahimik nga kayo!" natigilan kami ng marinig ang sigaw ni Mom, "Ini-stress niyo lang si Arian! sige kayo! makakasama sa kalusugan ng baby yang ginagawa niyo!"

Wala na kaming ibang nagawa kundi ang manahimik, tumayo naman si Arian at agad ko siyang inalalayan.

"Dahan-dahan lang love." malambing kong sabi sa kanya ngunit nginisian niya lamang ako, anong problema ng isang 'to?

Pagkalabas naming lahat rito sa kwarto ay agad naming nakita si Sandra na may benda sa kamay.

"Anong nangyari sayo?" tanong ko.

"Wala naman, nakipaglaro kasi ako." sarkastiko niyang sagot, bigla namang nagsalubong ang aking mga kilay, "Joke lang! Miss lead! Wow! Magkaka-baby na pala kayo!"

"Congrats po." masayang sabi ni Kryssa.

"Oo nga po Miss lead, congrats!" tugon ni Chad.

Dumiretso kami ni Arian sa loob ng sasakyan at si Dad na mismo ang nagmaneho.

~

"Bakit kami nandito?"

"Dito na muna kayo ni Arian para naman mabantayan namin siya." sagot ni Dad.

Hindi na ako nagsalita pa, pumasok na kami ni Arian sa loob ng mansion, Marami mga gwardya ang nakabantay rito at sigurado akong narito sila para bantayan ang leader nila na si Arian.

"Arian anak anong gusto mong kainin? nagugutom ka ba?" tanong ni Mom.

"I need some rest." sagot ni Arian ng hindi man lang tumitingin sa kanya.

The Mafia Husband and The Assassin WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon