Zavier's Point Of View
Pinahinto ni Falcon ang kanyang kotse sa tapat ng isang napakalaking pintuan. Napakaganda nga nito at masasabi mo rin na luma na.
Pumasok kami sa loob at mas lalo akong namangha dahil hindi ko inaasahang mas maganda pala ang nasa loob! pumunta ako sa ikalawang palapag nito at nag explore muna kami pagkatapos ay nagsimula na siyang magsalita.
"So ito na 'yun, ito ang mahabang lamesa para sa mga Mafia Boss at Mafia King kung may pag-uusapan kayo ay dito 'yun, meron ding mga intercoms d'yan." saad niya habang nakaturo sa mahabang mesa na inaayos ng mga katulong.
"May tanong ka pa ba Zavier?"
"Wala na, malinaw na malinaw lahat." saad ko kahit hindi naman. Marami rin siyang ipinaliwanag kanina ang kaso nasa paligid ang attention ko.
"Okay pwede na tayong bumalik sa syudad," ngunit napailing ako.
"Mamaya nalang."
"Oo nga pala Zavier... Alam mo ba na malapit dito ang bahay ng Dad mo na si Mr Marvic?"
"T-Talaga?" hindi ako makapaniwalang malapit lang dito ang bahay niya.
"Please! ituro mo sa'kin..." pakiusap ko sa kanya.
"Tara sa kotse!" sinundan ko naman siya at pinaandar na niya ito.
~
"Nandito na tayo Zavier." Bumaba na rin ako.
Nang makita ko ang harap ng bahay nila ay pakiramdam ko pamilyar sa'kin ang lumang bahay na 'to.
"Ito naman ang bahay niyo Zavier, Maliit ka palang noon pero alam kong marami kang naiwang alaala rito." Pumasok ako sa loob at nakita ko yung taga bantay.
"Sir anong kailangan nila?" magalang na tanong nito.
"Ah sila ang may-ari ng bahay na ito." sagot ni Falcon.
"Sige sir tuloy po kayo." pumasok naman ako sa loob. Tinignan ko ang family picture namin nila Dad at Mom na nakasabit.
Naghanap pa ako ng mga litrato at hanggang sa makita ko ang malabong litrato ng dalawang bata na magkahawak ang kamay, hindi ko makita ang kanilang mga mukha pero ramdam kong pamilyar ito sa'kin.
Ako ba ang batang lalaki na ito? At kung ako nga ito, sino naman ang batang babae na kasama ko?
Pakiramdam ko... Kilala ko na siya dati.
Bigla kong nabitawan ang hawak kong litrato at napahawak ako sa aking ulo at napadaing ako dahil sa sobrang sakit. Umiikot ang paningin ko, Dahan-dahan kong pinikit ang aking mga mata at kalaunan ay dinilat ko rin ito.
~
Nasaan ako? Bigla akong napatingin sa dalawang bata na naglalaro. Masaya sila, I guess they're bestfriend.
"Papauwiin na kayo ng inyong ama sa syudad," sabi ng isang lalaki na parang bodyguard ng batang lalaki.
"Huh? uuwi siya?" tanong ng batang babae.
"Opo." sagot naman niya.
Mapapansin mo sa batang babae ang pagkalungkot na kanina ay sobrang saya nila... T-Teka yung batang lalaki!
Yung nasa familiy picture na nasa gitna nila Mom and Dad. Posible bang ako ang batang lalaking ito na nakatayo sa harapan ng batang babae?
Muli nanamang sumakit ang aking ulo kung kaya't napapikit akong muli, Pagkadilat ako ay madaling araw na, Naguguluhan ako sa mga nangyayari pero nararamdaman ko na, nangyari na nga ito dati.
BINABASA MO ANG
The Mafia Husband and The Assassin Wife
RomanceHe's a hot tempered as hell and insolent Mafia Boss who loves to hurt and make other suffer, he can do whatever he want, no one can stop a Mafia Boss like him despite from being childish and stubborn, he possess a multiple talent when it comes to ba...