Chapter 8

45.4K 1K 42
                                    

Zavier's Point Of View

Gabi na ngunit hindi pa rin siya umuuwi, medyo nag-aalala ako sa kanya hindi man lang siya nagpapaalam! Mayamaya pa ay may biglant tumawag sa cellphone ko.

"Hello." malamya kong bungad.

[Zavier!]

Agad kong nilayo ang cellphone ko sa aking tenga dahil sa lakas ng sigaw nito.

"Mr Marvic? Problema?!"

[Si Arian nasaan?!]

Napatingin ako sa aking paligid at doon ko na lamang napagtanto na wala nga pala siya rito.

"Wala."

[Hanapin mo! Kapag nahanap mo siya pakiusap, huwag na wag mo siyang palalabasin ng bahay!]

Napakamot na lamang ako sa aking ulo at napabuntong hininga na rin. Kung ako nga ayaw niyang palabasin ng bahay siya pa kaya.

"Paano kung papasok ako?"

[Papuntahin mo sya sa University at doon mo siya iwanan sa office niya.]

"Teka-teka Ano ba ang problema? Bakit niyo naman siya hinihigpitan?"

[Basta wag mo lang syang palalabasin, asahan mo anak namay magbabago sa kanya.]

"H-huh? magbabago?"

[Oo basta wag mo syang palalabasin.]

"Okay."

[Sige hanapin mo na siya!]

Sabay pinatay ko na ang tawag at agad akong bumaba para hanapin si Arian. Nang buksan ko ang Cr ay nakita ko itong suot ng bathrobe.

"Saan ka nanggaling?" ngunit hindi niya man lang ako sinagot at umalis ito aking harapan ngunit bago pa man ito makaalis ng tuluyan ay agad kong hinawakan ko ang kanyang kamay.

"Sabihin mo nga sa'kin, Ano ba ang problema mo?"

Magsasalita na sana ito ngunit biglang may tumawag sa kanyang cellphone. Agad niya itong sinagot at mayamaya ay pinutol nya rin ang linya. Bumalik na rin siya sa kwarto ng walang iniiwang salita kaya't sinundan ko na lamang ito, papasok na sana ako sa loob ng kwarto ngunit bigla niya itong sinarado.

Makalipas ang labing limang minuto ay binuksan niya na rin ang pinto at naka pang-alis siyang suot, aalis nanaman sya?! pero dati ay lagi siyang narito sa bahay kahit na wala siyang pasok.

"Saan ka pupunta?" tanong ko habang nakangisi ngunit hindi niya naman ako sinagot kaya naman ay nilapitan ko ito at hinarangan.

"Sabihin mo na." konti nalang talaga mab-beastmode nanaman ako pero kahit anong gawin ko ay hindi pa rin siya umimik, kung kaya't sinandal ko ito sa pader.

"Kapag hindi ka nagsalita hahalikan kita." pagbabanta ko sa kanya.

"I have an important meeting and that's all." ngunit hindi ako kumbinsido.

"Meeting? tapos naka ganyan ka? Yung totoo babae? Mag f-fashion show ka do'n?"

"Get out." utos nito ngunit muli ko lamang siyang hinarangan pero mas lalo pang sumama ang titig niya sa'kin.

"Sasaktan mo 'ko ganun?" tanong ko pero tinulak niya lamang ako at tuluyan itong lumabas ng mansion. Dahil sa sobrang inis ko ay pinag tatapon ko ang lahat ng nakikita ko.

***

Shookey's Point Of View

Naglalakad ako ngayon dito sa syudad at naghahanap pa ako ng mga impormasyon hanggang sa may nakita akong itim na Lamborghini at ipinarke ito sa parking lot, bigla na lamang bumukas ang pinto ng sasakyan.

The Mafia Husband and The Assassin WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon