~•~
It's been 10 months nang matapos ang pangyayaring iyon na tila nagmistulang panaginip lang kung iisipin dahil tanging kaming dalawa lang ni Aizen ang nakakaalam rito. Sampung buwan rin ang nakalipas ng mapayapang maikasal kami ni Arian at dito ay muling nagkasundo ang mga Assassin at mga Mafia Boss ngunit hindi lahat ay nag participate rito dahil may iba pa rin ang matitigas na ulo. This is the reality, even if you're the most powerful Mafia King or an Assassin King, meron at meron pa ring mga taong hindi susunod sayo't gugustuhin ka pang labanan at agawan ng trono.
Narinig rin naman ang balitang wala na si Shiro, sigurado akong ibinayad niya ang kanyang buhay sa kanya at matapos ng kahat ng 'yun ay magiging normal ang lahat. Katatapos lang naming i-celebrate ang 30th birthday ko last week pero para pa rin akong nasa edad 20, walang pinagbago sa kagwapuhan kong 'to kahit isa.
Muli kong naalala ang nakaraan kong sarili, inaamin kong sobrang isip bata ko't napaka-mainitin ang ulo ko pero hindi na ngayon dahil nagbago na ak---
"Aizen?!"
"Oops, sorry Daddy haha!"
Napahawak ako sa aking ulo ng maramdaman ang basa't malagkit na bagay. Nang tignan ko ito ng maayos ay mas lalo akong nabwisit ng matantong itlog pala ang tinapon niya. Kinuha ko ang isang box na itlog at dito ay naglaban kaming dalawa, nginisian ko siya't tinawanan.
"Akala mo sigurong bata ka sasantuhin kita!"
Nabigla ako ng ilabas niya ang isang granada, pero alam ko namang laruan ito kaya kampante lamang ako.
"Saan mo naman napulot yang laruan ko?"
Bigla niyang tinanggal ang pin nito't hinagis sa kinaroroonan ko, napalunok ako ng sunod-sunod ng matantong totoong granada nga ang hinagis niya. Agad akong tumakbo palabas ng bahay bago pa man ito tuluyang sumabog.
"Aizen?! mananagot tayo sa Mommy mo!" sigaw ko rito.
"Si Grandpa Robert po ang nagsabi sa'kin na gamitin ko yan pag emergency Daddy."
Halos mapahilamos ako sa aking mukha at para bang gusto kong iuntog itong ulo ko sa pader. Habang tumatagal mas lalo siyang nagiging bayolente!
"Dad! ano ba?! wag niyo ngang ini-spoil itong si Aizen!" iritang sabi ko sa linya.
[Eh 'nak, laruan lang naman binigay ko sa kanya, baka kinuha niya 'yan sa kwarto mo?]
Halos masira ko 'tong cellphone na hawak ko.
"Yohaaan!"
"Dad, I'm here stop shouting."
Napalingon ako sa likod ko't nakita siya roon na nagbabasa ng libro.
"Wala ka dyan kanina ah?"
Hindi siya nagsalita't patuloy lamang ito sa pagbabasa.
"Pinapasok mo ba 'tong kapatid mo sa kwarto ko?! may hawak siyang granada!" sigaw ko rito.
"Ate oh."
Napatingin ako sa kinaroroonan nila Aizen at nakita ko si Lalaine na may hawak na isang box ng granada.
"W-What the---Lalaine?! bakit nasa'yo 'yan?!"
"Tito, hinack niya yung password ng kwarto mo." nakaturo si Irus kay Lalaine ngunit nginitian lamang ako nito.
"Anong hack?" inosenteng tanong nito ngunit mahinang hinampas ni Irus sa ulo si Lalaine ng kanyang kamay.
Nabigla ako ng bitawan niya ang box ng granada't dito ay sumabog ang mga ito.
BINABASA MO ANG
The Mafia Husband and The Assassin Wife
RomanceHe's a hot tempered as hell and insolent Mafia Boss who loves to hurt and make other suffer, he can do whatever he want, no one can stop a Mafia Boss like him despite from being childish and stubborn, he possess a multiple talent when it comes to ba...