Chapter 42

26.2K 611 37
                                    

Shookey's Point Of View

Inutusan ako ni Arian na bumalik rito sa bahay nila para bantayan ang dalawa niyang, kung tutuusin mga baby pa lang sila noong makita ko ang mga ito, pero ngayon sigurasong nasa limang taong gulang na ang mga ito.

Wala rin si King Zav rito dahil nasa Mafia Palace siya ngayon habang si Arian naman ay nasa kumpanya. Talagang busy ang mga magulang ng dalawang ito pero marami namang mga nakabantay na Assassin at Black Men rito sa gate nila.

"Ako pala ang pinadala ni Arian."

"Ikaw si Shookey?" tanong nong Assassin na sa tingin ko ay heneral dahil siya lang naman ang may kakaibang suot sa kanilang mga Assassin rito.

Tumango naman ako at pinapasok na sa loob. Nang makarating ako sa loob ay agad kong nakita si Yohan na nag liligpit nang mga kalat. Grabe ang laki niya na!

Habang si Aizen naman ay parang may kinakalkal sa drawer.

"Aizen! Stop that!" kunot noong utos ni Yohan pero hindi naman siya pinansin nito.

"I will tell mommy!"

Nang pagkatayo na si Aizen ay may hawak siyang bala ng baril kaya naman ay naalarma ako.

"Aizen wag yan." pagsusuway ko rito.

"I got my collection now bleeh! sabay tumakbo ito sa taas ng kwarto. Napahawak naman si Yohan sa kanyang ulo.

"Oh Yohan? bakit?"

"Mommy told me that I have to protect her and..." nilabas niya ang Kunai.

"I have this as my protection, but Mommy wilm never allow me to use this."

Nagtaka naman ako kung paano niya ito nahanap dahil lahat ng gamit ni Arian ay nakatago at ang alam ko may password pa ang pinag lagyanan nito.

"Paano mo naman nakuha yan?!" takang tanong ko.

"It's my secret since I don't trust you."

"A-anong hindi ka nagtitiwala sa'kin? hindi ko naman sasabihin sa Mommy mo na kinuha mo yan."

"It's better not to trust easily to avoid being betrayed."

"T-teka! anong ibig mong sabihin?! saan mo natutunan yan?!" naloloka na ako sa mga batang ito, kung makapag salita akala mo siya si Arian.

"I heard Mom said that, she's my idol so I will become an Assassin when I grow up, 'wag na 'wag mong sasabihin kay Mom na hawak ko 'to or else I can will you up." babala niya't napaatras ako, muli siyang bumalik sa pagliligpit ng mga laruang nagkalat at tumulong na rin ako sa paglilinis habang napabugtong hininga.

Ilang saglit pa ay bumaba si Aizen na may dalang damit na puti at may naka drawing na tao rito na satingin ko ay damit ni king zav.

"Aizen! What did you do?!" kunot noong tanong ni Yohan.

"Look! this is Daddy!"

Agad na tumakbo si Yohan papunta kay Aizen para agawin ang damit ng Daddy niya at hinablot ito sabay bumaba ng hagdan at dumiretso ito sa laundry area.

"Aizen makinig ka kay Yohan, bad 'yun ah!" sabi ko habang nakahawak sa aking baywang.

Bigla siyang umayos ng tayo at sumaludo sa'kin.

"Aye Aye captain Hulk!"

Sabay bigla itong tumalon dito sa terrace na ikinagulat ko.

"Hoooy!"

Nang makadungaw ako ay muli akong napabuntong hininga ng nalaglag siya sa malambot na sofa. Masaya pa ito habang tumatalon-talon.

Lumapit naman ako kay Yohan.

The Mafia Husband and The Assassin WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon