Chapter 20

29.7K 737 39
                                    

Zavier's Point Of View

Nang magising ako kinaumagahan ay agad akong bumaba ng kwarto at dahil sa kamamadali ay bigla akong nalaglag sa hagdanan!

"Oh? ayos ka lang?" tanong ni Tanda sa'kin.

"Nakauwi kana pala tanda! si Arian? Nasaan siya? Nakauwi na ba siya?!" sunod-sunod kong tanong ng may halong pag-aalala. Alam kong may nagawa akong mali noong isang araw pero bigla nalang lumitaw si Arian sa likod niya.

Para akong nabuhayan ng makita ko siya pero hindi ko ito pinahalata sa kanya.

"Saan ka pala nanggaling?" pero hindi niya ako pinansin.

"Tanda, saan siya galing?"

"Hindi ko rin alam."

Mayamaya ay biglang tumunog ang cellphone ko at sinagot ang tawag.

"Hello?"

[Anak! pupunta kami d'yan ng Daddy mo, sige love you!]

Sabay pinutol binaba niya na ito.

Nasa sala ngayon si Arian habang nanonood. Dumiretso ako sa CR para maligo sabay nagbihis. Mayamaya ay biglang tumunog ang bell sa labas at binuksan na 'yun ni Tanda.

Nilakasan ko ang loob kong kausapin siya."Arian kain tayo," pero hindi nanaman siya kumibo.

"Kumain na siya, Zavier." nakangiting tugon ni Tanda, Buti pa 'to kinikibo ako.

"Hello sa inyo!" rinig kong bati ni Mom.

"Oh kamusta?" nakangiting tanong ni Dad, bigla nalang umiyak ang baby na hawak-hawak ni Mom.

"Kanino namang anak 'yan?" kunot noong tanong ko.

"Nako-nako nagseselos nanaman yang anak mo Kristina, gusto niya siya lang yung bini-baby," sinamaan ko lang ng tingin si Dad.

"Eh! wala pa kayong baby kaya ito nalang si baby Clarkson, cute-cute oh." nakangiting sabi ni Mom habang nilalaro ang bata.

"Yah!" saad ng Baby.

"Ay wait anak pahawak nga saglit itong si baby Clarkson." agad niyang binigay ang baby pero halos mandiri ako ng makita itong naglalaway!

"Wala bang panyo 'to?! kadiri oh!" kunot noong tanong ko.

Natawa lang silang dalawa, inabot naman sa'kin ni Mom yung towel at sabay pinunasan ang mukha nito.

"Anak dahan-dahan lang yung pagpunas, hay nako! paano pag nagka-baby kayo ni Arian? Baka maging kawawa yung baby nako! Kukunin ko talaga yang apo ko at hinding-hindi ko ipapahawak sayo sige ka." saad ni Mom habang nakangisi ngunit hindi ko ito pinansin.

"Nasaan ba si Arian?" tanong ni Dad.

"Nandoon nanonood ng TV." simpleng sagot ko at pinuntahan naman ito ni Dad.

Kainis! Ang kulit ng batang 'to!

"Mom oh!" sabay bigay ko kanya nitong bata.

"Oh susuko kana?"

"Hindi ko naman anak yan! pake ko diyan!"

"Edi gawa kayo."

Napangisi na lamang ako at inirapan siya.

Mayamaya lang ay nakaramdam ako ng sakit sa aking ulo kaya hinilot-hilot ko ito.

"Come with me..."

Nakakarinig ako ng boses ng isang babae.

"Come with me..."

Agad kong kinuha ang aking jacket at lumabas ng bahay, hindi na ako nakapag paalam sa kanina dahil hindi ko ma-control ang mga paa ko, hindi ko alam kung anong dahilan.

The Mafia Husband and The Assassin WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon