Zavier's Point Of View
9:45 pm na ng gabi pero grabe ang tagal ng babaeng 'yun! Habang kumakain ako ng cake na gawa ni Mom ay biglang tumunog yung bell at ng buksan ito ni Tanda ay nakita ko si Arian na parang malungkot ang mukha nito at nakikita ko 'yun sa pamamagitan ng mga mata niya.
"Arian anak!" agad ito niyakap ni Mom.
"Kamusta anak?" pangangamusta ni Dad.
"Fine." simple niyang sagot.
"Ibang klase rin itong alagang aso niyo, nagsasalita Haha! Tumatayo pa!" natatawang sabi ni Dad.
"Uhm hehe, hindi po talaga ako aso, tao talaga ako at may dahilan kung bakit naging ganito ang mukha ko." paliwanag ni Shookey pero nasurpresa ako ng hindi ito ikinagulat nila Mom at Dad.
"By the way anak kumain kana ba huh?" tanong ni Mom.
"I'm fine."
Hindi ko alam kung anong rason niya, mukha talaga siyang malungkot pero ayoko namang tanungin siya dahil alam kong wala siyang pake.
"Hay nako! hiinintay ka talaga namin para sabay-sabay na tayong kumain." sabi ni Dad.
Kanina pa ako nagugutom pero kailangan pa talagang hintayin ang babaeng 'to.
"By the way Arian anak, ano pala ang ginagawa mo kapag nagwawala itong pogi kong anak?" tanong ni Mom at tinignan naman ako ni Arian ng ilang saglit at umupo siya sa tabi ni Mom.
"I take a good care of him." halos mailuwa ko na itong kinakain kong mani.
May parte ngang inaalagaan niya ako pero mas mabigat yung parte na pinapahirapan niya ako!
"Ang sweet naman pala!" saad ni Mom habang kinikilig.
"Siyempre naman, maswerte si Zavier kay Arian." napasimangot na lamang ako ng sabihin ito ni Dad. Kung alam niyo lang, pasalamat 'tong babae na 'to wala akong ganang sabihin sa kanila yung mga pinaggagawa niya sa'kin.
Muli akong napatingin kay Arian, tahimik lang itong kumakain pero kakaunti lang naman ito, para bang may problema siya.
"Oo nga pala, Zavier anak, nakausap ko sina Jc, may gusto silang sabihin sayo at magkakaroon ng meeting ng mga Mafia Boss sa Trival Mafia Building." napatingin ako kay Dad at seryoso lamang itong nakatingin sa'kin.
"Anong meron Dad?" tanong ko.
"Kinakailangan mong umattend, may mahalaga silang sasabihin at hindi ko rin alam kung ano ang pag-uusapan ninyo." paliwanag niya at tumango na lamang ako. "Oh siya! Kumain na tayo at baka maubos pa nitong alaga niyong aso yung mga pagkain."
"E-eh! Pasensya na po!" nilapag ni Shookey ang limang chicken sa plato niya.
Nagtawanan naman silang lahat maliban sa'kin at kay Arian.
~
Nang matapos na kaming kumain ay nag paalam ng umuwi sila Mom at Dad.
"Arian paki ingatan ang baby boy ko huh?" bilin ni Mom.
"I will." sagot niya na ikinagulat ko naman.
"Sige 'nak, Alis na kami." paaalam ni Dad at tumango lamang ako.
Kumakanta ako ng isang hindi maipaliwanag na kanta habang may kinukuha sa luma kong Luggage Bag, habang naghahanap ay may nakita akong isang plastic na ngayon ko lang nakita. Binuksan ko ito at nakita ang itim na Bracelet.
"Woah ang cute nito." sabay sinuot ito at humiga sa kama.
Pinagmamasdan ko lang ang itim na bracelet pero bigla na lang akong nakaramdam ng pagkahilo, napaupo ako sa kamay habang minamasahe ko ang aking ulo.
BINABASA MO ANG
The Mafia Husband and The Assassin Wife
RomanceHe's a hot tempered as hell and insolent Mafia Boss who loves to hurt and make other suffer, he can do whatever he want, no one can stop a Mafia Boss like him despite from being childish and stubborn, he possess a multiple talent when it comes to ba...