Chapter 48: The Last Game 2

22.9K 527 292
                                    

Zavier's Point Of View

It's been 11:52 pm at 12 hours na ang nakalipas simula ng umalis si Arian dito sa bahay, wala akong ideya kung saan na siya pumunta, ang sabi niya lang ay babalik siya agad dahil magkikita lang sila ni Viliabyl pero hindi niya sinabi kung saan.

Nag-aalala na ako sa kanya, hindi rin ako mapakali rito sa bahay at tulog na rin sina Yohan at Aizen sa taas tanging ako nalang ang gising.

Ilang sandali lamang ay may biglang kumatok sa pinto, napalunok ako ng dalawang beses bago tumayo't buksan ito. Nabuhayan ako ng loob ng makita si Arian.

"Love, anong oras n--" nabigla ako ng bigla niya akong hinalikan at niyakap ng napakahigpit ngunit kumalas rin ito pagkatapos.

"L-Love?"

"I'm sorry love, I'm late." malambing na sabi niya.

Hinila niya ang kamay ko papasok sa loob, gustuhin ko mang magtanong kung saan ito galing pero... ayokong masira ang mood niya, bukas nalang siguro ako magtatanong.

~

Matapos kaming pumasok sa kwarto ay nabigla ako ng itulak niya ako pahiga sa kama.

"L-Love?! A-anong n-nangyayari s-sayo?! nakainom ka ba?! h-hindi naman amoy alak yung hininga m-mo t-tsaka---"

Natigilan ako ng hawakan niya ang aking panga't itinaas ito, nasa ibabaw ko na siya ngayon at kitang-kita ko sa mga mata niya ang pagkasabik sa'king mga haplos at muli niya akong hinalikan.

"I love you." bulong niya habang hinahalikan ang aking leeg.

"Love, may problema ba?" tanong ko ngunit napangiti lamang ito.

"Why? Don't you want to see me like this?"

"Love hindi naman sa ganun."

"And so you're enjoying this moment then."

Agad ko itong pinigilang halikan ako't hinawakan ko ang kanyang balikat, seryoso ko itong tinignan.

"Anong tingin mo sa'kin?" nakita ko ang namumuong kwestyon sa kanyang mga mata.

"Tingin mo katawan lang habol ko sayo?! fuck that! I want your heart and soul not just your body! inshort I want you all to me!"

Hindi ko maintindihan ang ekspresyon na pinapakita niya sa'kin ngayon, malungkot siya na hindi ko maintindihan.

"May problema ka ba Love? kasi kung meron nandito naman ako, that's my duty as your husband."

Mukhang napasobra yata ako ng sinabi kanina, hindi naman sa ayoko ng ganito pero ayoko lang na isipin niyang hanggang ngayon, ito lang naman ang habol ko sa kanya, gusto ko lang naman malaman niya na mahal na mahal ko siya.

"Then..." tinignan ko lamang ito't nginitian niya ako. "Let me kiss you for the last time."

Nanlaki ang mga mata ko ng marinig ito, may sasabihin pa sana ako pero sinunggaban niya agad ako ng mga halik. Hinawakan ko ang kanyang likod ng napakahigpit, pakiramdam ko merong mali sa paligid ko.

Ilang saglit pa ay biglang tumunog ang striking clock at senyales na saktong 12 na ng madaling araw kahit nasa baba ito ay rinig pa rin ito hanggang sa kwarto namin. Kumalas sa pagkakahalik si Arian at taimtim akong tinignan.

"My time has come, please take care of Aizen and Yohan Love." nakangiting sabi niya't yayakapin ko sana ito ngunit...

"I'll be back Zavier, I love you."

Unting-unti na naglaho ang kanyang kamay kasunod ang kanyang katawan at halos mapaluhod akong umiiyak dahil sa nangyari.

"Arian..."

The Mafia Husband and The Assassin WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon