Kabanata Nueve - Debajos de las EstrellasHacienda de Santibañez
Ciudad de Santa Clara de Asis9 de Mayo de 1890
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
"Padre Velasco?" Bulong ko sa sarili ko at kulang na lang malaglag yung panga ko ng makita ko ang paring tinuligsa ko kanina sa simbahan habang nagmimisa ito.
Nagiba ang timpla ni Crisostomo ng marinig niya ang negative comment ni Padre Velasco tungkol sa ginawa naming pagsayaw kanina.
Sino ba namang hindi maiinis dun hindi ba? Ang ganda ganda ng sayaw ko ay hindi nga ako nagkanda tapitapilok kanina tapos sasabihin niyang magaslaw yung sayaw namin ni Crisostomo!? Sampalin ko kaya siya sa kaliwa't kanan ng pisngi niya!?
Patay ako nito! Shemay! Pero hindi dapat ako magpadaig sa takot at kaba ko kung ano man ang sasabihin niya ay wala na akong pakielam, binigyan niya ako ng ngiti na nakakatakot yung evil smile ba tapos yung tingin niya akala mo hinuhukay ang buong pagkatao ko.
"Buenas Noches Padre Velasco" napatingin si Padre Velasco sa malugod na pagbati ni Crisostomo at humalik siya sa kamay ng padre, alam ko namang kunwari lang yung masayang pagbati ni Crisostomo kay Padre Velasco kaya napairap na lang ako sa ginawa niya, seryoso ba siya? Ginagalang niya ang isang mapagpanggap na prayle na ginagamit ang imahe mg Panginoon para alipustahin at nakawan ang mga Pilipino!? Kaloka!
Napatingin naman ulit sa akin si Padre Velasco at nakipagsukatan ako ng tingin sa kanya.
"¿Por qué te gusta la estatua dónde se encuentra? ¿Le sorprende a mi llegada? (Bakit parang estatwa ka sa kinatatayuan mo? Nagulat ka ba sa aking pagdating?)" Hindi ako makasagot sa sinasabi ni Padre Velasco, hindi ko naman kasi maintindihan, kaya napakunot noo na lang ako.
Ilang Segundo din akong hindi nagsalita at naramdaman ko na lang na kinalabit ako ni Crisostomo.
"Binibini tinatanong ka ni Padre Velasco kung nagulat ka ba sa kanya pagdating" bulong sa akin ni Crisostomo at napatingin naman ako sa kanya, oo nagulat ako sobra! Sa sobrang gulat ko eh biglang nasira yung mode ko! Bwiset na Pari to!
"Ah eh ano ofcourse-este! h-hindi naman po sa nagulat ako Padre Velasco, sa katunayan nga po ay inaasahan ko po na makakadalo kayo sa enggrandeng selebrasyon na ito at pasalamat na alng ako sa Diyos na nakarating kayo dito sa Hacienda Santibañez ng maayos at ligtas" mapangasar kong sambit kay Padre at parang sinasabi ko na sana naaksidente na lang siya habang bumabyahe papunta dito.
BINABASA MO ANG
The Unexpected 19th Century Journey
Historical FictionCatherine McKinley in short Cath, isang popular student ng kanilang school una sa lahat maganda at sobrang talino, manang mana sa grandparent niya na model, lahat na sa kanya pero nasa sinapupunan pa lang siya ng Mommy niya ay sinabihan na siya ng i...