Kabanata 44 - Simula ng Pag-aaklas1890
Hacienda Montecillo
Ciudad de Santa Clara de Asis-----------------
"Ano po ang iyong mga sinabi Señorita? Hindi po kayo sa panahon na ito ipinanganak?" Tanong niya sa akin at napalunok laway na lang at para akong binuhusan ng malamig na tubig ng tanungin ako ni Veronica nun.
HINDI MAARI!!!!
Hala narinig niya ba yung pinag usapan naming dalawa ni Catherina!?
"Huh? S-sandali anong sinasabi mo?" Nauutal kong tanong sa kanya kunwari wala akong alam sa sinasabi niya.
"Señorita alam kong alam niyo ang sinasabi ko" mariin niya pang sambit sa akin at napaiwas ako ng tingin sa kanya at napatayo ako.
Kinakabahan na ako sa mga nangyayari at alam kong narinig niya talaga yung pinagusapan naming dalawa ni Catherina. Panginoon ko po tulungan niyo akong makalusot dito dahil hindi po maaring malaman ng iba na dayo lang ako sa panahon na ito at kapag nalaman talaga nila nako po!!! Hindi ko alam ang mangyayari!
"A-anong bang sinasabi mo Veronica? W-wala naman akong alam sa sinasabi mo" may pagmamatapang kong wika sa kanya at napaharap pa ako sa bintana at tumitingin sa malayo para hindi niya mahalatang nagsisinungaling ako.
"Señorita, ika'y aking narinig na tila may kasamang kausap ngunit nagulat ako nang makita po kita na wala kang kasama at narinig na hindi ka sa panahon na ito ipinanganak? Ano pong ibig sabihin nun aking señorita?" Seryoso niyang tanong sa akin at napalunok na lang ulit ako kasi napakinggan nga niya yung mga pinagusapan namin.
GOSHH!!! CATHERINE! ANO BA IYANG BUNGANGA MO!? BAKIT HINDI MO MAITIKOM!? PATAY KANG BATA KA, NGAYON PAANO MO IYAN MALULUSUTAN SI VERNICA!?
"Ano ba Veronica? Baka mali ka lang ng narinig? oh baka may tutuli sa tainga mo or what?" dahilan ko sa kanya at napahawak ako sa bibig ko kasi napa-ingles na naman ako ng wala sa oras nako po baka ma-check mate ako nitong babaeng to.
"Señorita ako'y labis nang nagtataka sa iyong katauhan dahil ang iyong gawi at pag-uugali ay kay layo na simula noong nanilbihan ako sa inyo, sino ka po ba talaga?" tanong niya at tinignan niya ako ng diretso sa aking mga mata na tila parang pinipilit niyang hulihin kung sino ba talaga ako.
Pinipilit kong makipagtitigan sa kanya kaso hindi ko maiwasan na hindi tuingin kasi hindi na ako mapakali ngayon para akong nasa hot seat na pinaaamin sa isnag kasalanan. Lord tulungan niyo naman po ako please! Ang hirap naman pong lusutan nitong babaeng to, narinig niya kasi eh hayss! hindi kasi ako nagsara ng pintuan?
BINABASA MO ANG
The Unexpected 19th Century Journey
Historical FictionCatherine McKinley in short Cath, isang popular student ng kanilang school una sa lahat maganda at sobrang talino, manang mana sa grandparent niya na model, lahat na sa kanya pero nasa sinapupunan pa lang siya ng Mommy niya ay sinabihan na siya ng i...