Kabanata 47 - Pamilya Montecillo

1K 39 14
                                    

Kabanata 47 - Pamilya Montecillo

Ciudad de Santa Clara de Asis

1890

Matapos akong makaganti ng sampal kay Kapitan Luis ay pinigilan na siya ni Heneral Castellano at kaagad nilang nilisan ang lugar namin, ngunit bago sila tuluyang umalis ay nilagyan muna nila ng kadena at kandado ang gate ng hacienda namin para wala na talagang makapasok na kung sino man.

"Tandaan niyo ang araw na ito, mababawi din namin sa inyo lahat ng mga inangkin niyo sa amin!" banggit ni Ama sa kanila bago sila tuluyang layasan kami.

May mga nagbubulungan naman sa paligid namin at unti unti na naring humuhupa ang mga tao at kami na lang ang natitira dito, hindi naman maiwaan ni Ina na maiyak habang nakatanaw siya sa mansyon namin na inilit na ng pamahalaan ni Facundo.

"Ina huwag na po kayong umiyak, dahil may awa ang Diyos sa atin hindi niya tayo pababayaan, naniniwala ako na mababawi din natin ang ating tahanan at hacienda" napayuko na lang si Ina at humahagulgol pa din siya.

Lumapit naman sa amin si Ama sa amin para pakalmahin si Ina at napatayo ako para pulutin 'yong mga gamit namin, ang dumi na tuloy ng mga suot namin punong puno ng alikabok poag ako gumanti sa kanila hindi lang kaladkad mangyayari sa kanila.

"Carlos! carlos! bakit ganito ang nangyayari sa atin bakit!?" umiiyak na tanong ni Ina kay Ama.

"Tumahan ka na Catalina, lakasan mo lang ang loob mo hindi dapat tayo panghinaan ng loob sa mga ganitiong pagkakataon, naniniwala ako na tutulungan tayo ng Maykapal na malagpasan natin ang pagsubok na ito" pagpapakalma ni Ama sa kanya.

Habang inaayos ko ang sarili ko ay bigla namang dumating ang Pamilya Santibanez at nang makita ko si Crisostomo ay kaagad niya akong nilapitan sabay yakap ng mahigpit sa akin.

"Anong nangyari sa inyong pamilya aking mahal!?" tanong sa akin ni Crisostomo at sa mga bisig niya ay hindi ko na napigilan na mapaiyak, niyakap naman niya ako para pakalmahin ako "Mahal ko magsalita ka, hindi lingid ng aking  pamilya sa nangyayari sa inyo bakit nasa labasan kayo ng inyong tahanan at may mga gamit?" tanong pa niya sa akin at nakita kong nilapitan nila Don Frnando at Dona Esperanza sila Ama at Ina at sa pagkakataon na ito ay napaiyak ng husto si Ina sa kaibigan.

"Crisostomo salamat at dumating ka" naiyak kong sabi sa kanya at iniangat niya 'yong ulo ko at pinunasan niya ng panyo 'yong mukha ko, siguro mukha na akong batang gusgusin.

"Paumanhin mahal ko, kung nahuli ako ng dating ngunit ano nga ba ang nangyari dito bakit nasa labas kayo at may nakalagay na kadna sa tarangkahan ng inyong hacienda?" tano niya sa akin.

"Ang walang hiyang gobyerno ni Facundo ang may kagagawa ng lahat ng ito!" may himutok kong panimulang kwento sa kanya "Inilit na ng gobyerno ang aming hacienda at mansyon bilang pambayad sa buwis na hindi namin nabayaran sa kanila, kinaladkad  la kami palabas ng bahay na akala mo nakagawa kami ng isang malaking kasalanan sa kanila, sila nga itoing mapang abuso sa mfga tao" nanlaki naman ang mata ni Crisostomo sa narinig niya sa akin.

"ANOI!? sandali" gulat niyang reaksyon "Ngunit pa-paano? bakit walang kaalam alam angpamilya namin?" tanong niya sa akin.

"Hindi na namin ipinaalam ito upang huwag na kayong mag-alala pa at para hindi na rin kayo maabala" sagot ko sa kanya at pinunasan ko ang mukha ko atrinayos ang sarili, hindi dapat ako magpakita ng kahinaan, dapat malakas ako kahit na bumabagsak na ako.

The Unexpected 19th Century JourneyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon