Kabanata 63 - Padre Velasco

776 28 26
                                    

(Don't forget to Vote and Comment)

Kabanata 63 – Padre Velasco

1891

Ciudad de Santa Clara de Asis

-----------------

Hindi ko namalayan na napaluha na pala ako sa mga ipinakita sa akin ni Donya Anastacia na mga pangyayari kapag nawasak ang mahiwagang orasan.

"Ngayon Catherine alam mo na lahat ng mga susunod na pangyayari sa oras na hindi inagatan ang mahiwagang orasan?" sambit sa akin ni Donya Anastacia at at itinigil na niya sa pagpapanood sa akin lahat ng mga posibleng mangyari sa oras na magalusan ng sira ang mahiwagang oarasan.

"Naiintindihan ko po Donya Aanstacia at aking iingatan upang hindi mangyari lahat ng mga ipinakita niyo sa akin" sagot ko at kinikilabutan ako sa mga pinanood sa akin ni Donya Anastacia, walang daan upang pigilan ang digmaan sa oras na masira ang mahiwagang orasan.

Lahat ng mga nangyari ay pawang pangitain lang ng Donya na siyang ipinakita sa akin bago ako tuluyang magtungo sa hacienda Montecillo upang magkaroon ako ng ideya at dobleng pagiingat upang hindi mangyari ang lahat ng iyon, hindi maalis sa dibdib ko ang kaba na baka mamatay ako sa mga susunod na pangyayari.

"Pakiusap ko sa iyo Catherine na huwag na huwag mong hayaan na masira ang mahiwagang orasan sapagkat isang malaking gulo o digmaan ang kapalit nito na hindi na natin mapipigilan kung ganoon" bilin pa niya s aain at napahawak pa siya sa kamay ko, kita ko sa mga mata niya ang labis na panghihina at kawalan ng kapangyarihan sa hindi ko mawaring dahilan.

"Opo susundin ko po lahat ng iyong sinabi at magiigihan ko ang pagiingat upang masunod lahat ng naayon sa akin misyon kahit na masakit ay aking gagawin" wika ko at bigla kong naalala iyong panghuling misyon na kailanga kong gawin.

Sa kada naaalala ko ang bagay na iyon ayayw ko na lang isipin gusto kong maging mag isa at magmukmok na lamang sa isnag sulok, masakit ngunit kinakailangan kong tuparin upang masunod lahat ng naayon sa tadhana ng misyon ko.

Nawa'y magawa ko iyon ng bukal sa puso sa pagdating ng oras na kailangan ko na talagang bitawan.

"Catherine ?" hindi ko namalayan na kinakaiusap ako dahil nakatulala ako sa kawalan at malalim ang iniisip.

"Catherine ija nakikinig ka ba sa akin at kung saan na naman napapadpad ang iyong isipan?" nabalik ako sa katinuan ng sermunan na niya ako.

"Paumanhin Donya Anastacia, may naiisip lang po talaga ako na sadyang mabigat sa aking kalooban na ang hirap gawin ngunit kinakailangan" malungkot kong tugon at napabuntong hininga siya at hindi na niya sinagot iyon at nag iba ng usapan.

"May kailangan tayong gawin upang ang lahat ay maayon sa iyong misyon" sabi ng donya at siya'y tumayo at ipanakita muli ang kasulatan na nagsasaad ng lahat ng mga misyon na kailangan niyang gawin at pinabasa ang isa sa kanyang misyon "Iyong basahin ang pangalawangmisyn at unawain" sabi ng donya at kanyang hinawakan ang kasulatan.

"Mapanatiling lihim ang misyon at wala ng ibang makaalam hanggang sa ito ay matapos" pagkabasa ko no'n at kaagad niyang kinuha sa akin ang kasulatan at biglang naglaho sa kanyang kamay na parang bula.

"Naintindihan mo?" tanong niya sa akin at hindi ko amunawaan ang gusto niyang sabihin.

"Ano po ba't bakit niyo pinabasa sa akin iyon?" naguguluhan kong tanong.

"Halika't malalaman mo, sumunod ka sa akin" wika ng donya at kinuha niya ang pamaypay niya't naglakad palabas ng kwarto, inalalayan ko naman siya at wala akong idya kung ano bang ibig sabihin niya.

The Unexpected 19th Century JourneyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon