Kabanata 42 - Bangungot ni Catherina

2K 62 15
                                    


Kabanata 42 - Bangungot ni Catherina

1890
Hacienda Montecillo

Ciudad de Santa Clara de Asis

"CRISOSTOMO!!!" sigaw ko ng malakas at parang umaalingaw-ngaw sa buong bayan na ito ang pag iyak ko. Lagi na lang ba akong makararamdam ng lungkot? Hindi na ba ako sasaya? Lagi na lang bang ganito!? Walang wala na ako ngayon! Patay na ang anak ko pati ba naman si Crisostomo!? "ANO BANG KASALANAN KO BAKIT GANITO!?" sigaw ko pa at maya maya ay may narinig akong tinig at nag-iba iba ang paligid ko.

"Catherina! Gumising ka!" rinig ko sa isang babaeng pamilyar ang boses sa akin "Catherina isang masamang panaginip lang iyan kaya gumisind ka!" wika pa ulit at maya maya ay napapikit ako at pagdilat ko ay nasa ibang lugar na ako at unang tumambad sa akin ang kisame at ang mga kapatid kong nag-aalala sa akin.

"Anong nangyari!?" tanong ko at ang lakas ng tibok ng puso ko kaya naman napahawak ako sa dibdib ko at tumatagaktak din yung pawis ko.

Nagulat ako ng makita ko si Veronica at kaagad nman soyang lumapit sa akin at pinunasan niya yung mga tumutulong pawis sa ulo.

"B-buhay ka Veronica?" Nauutal kong tanong ko sa kanya at napalayo pa ako baka kasi guni-guni ko lang siya kasi kanina nakita ko siya na patay at nakahandusay.

"O-opo señorita buhay po ako bakit po?" Tanong niya sa akin at nanlaki ang mata ko at napatingin ako sa mga kapatid ko na tila naguguluhan sila sa mga pinagsasabi ko.

"Catherina mukhang dala lang iyan ng masamang bagungot na napanaginipan mo kaya akala mo totoo ang mga naranasan mo habang natutulog ka?" Wika ni Luciana na nasa tabi ko.

Panaginip lang ba ang lahat?

"Kung ganoon ay walang katotohanan ang mga nangyari? Hindi totoo na naikasal kami ni Crisostomo? Hindi rin totoo na may nangyari sa amin at nagka-anak kami ang kaso nahulog ako sa hagdanan kaya nalaglag ang bata sa aking sinapupunan? Hindi rin totoo na namatay si Veronica at Crisostomo!?" Tanong ko sa mga tao sa paligid ko at yung tingin nila ay parang iniisip nila na nababaliw na ako at kung ano ano ang lumalabas sa bibig ko na wala naman silang ideya kung ano ito.

The Unexpected 19th Century JourneyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon