Kabanata 27 - IndioColegio de Santa Maria Magdalena
Intramuros, MaynilaKaagad kong inalis ang labi ko mula sa labi niya at parehas naking dinilat ang mga mata namin at sobrang bilis ng tibok ng aking puso. Para akong aatakihin dahil hinahabol ko din ang hininga ko.
Pakiramdam ko pulang pula ang pisngi ko ngayon na mala kamatis na ang itsura nang dahil sa bugso ng damdamin na meron kami ngayon ni Crisostomo.
Maski tibok ng puso ni Crisostomo ay halos marinig ko na. Hindi ako makagalaw at nagtitigan lang kami na para bang kaming dalawa lang ulit sa paligid na para bang wala nang pakielam kung may makakita man sa amin.
"Catherina hija dumating ka na ba?" Nanlaki ang mata ko ng marinig ko ang boses ni Madre Candelaria at kaagad naman akong umayos ng tao at napaiwas na din ako ng tingin kay Crisostomo at ngayon ay parehas kaming binabalot ng kahihiyan.
"Ah-eh C-cris pap-pasok na ako sa l-loob sige magandang gabi ulit" nauutal kong wika at nagmadali akong pumasok ng tarangkahan at madali ko din itong isinara.
Hinahabol ko yung hininga ko kahit hindi naman ako tumakbo at yung puso ko ay ganun pa din ang bilis ng tibok ng puso ko at ang saya mg pakiramdam ko na parang ewan. Mababaliw na yata ako dito.
Ano yung ginawa namin ni Crisostomo? Bakit kami naghalikan? Ang bilis ng mga pangyayari at malinaw na sa aking puso at isipan na mahal ko talaga siya. Maya maya ay nalungkot ako.
Ngunit hindi naman maaring magmahalan ang dalawang taong nagmula sa magkaibang panahon. Paano magwowork yun?
Haysss...
Napasandal at napaupo na lang sa tarangkahan ng maisip ko ang mga bagay na iyon. Crisostomo mahal kita ngunit mukhang may malaking hadlang.
Napasilip ako sa maliit na siwag dito sa tarangkahan at nakita kong wala na si Crisostomo. Umuwi na siguro siya sa dormitoryo niya
"Catherina nakauwi ka na pala"
"At kalabaw!" Gulat kong banggit at napaharap ako dun sa nagsalita "ginulat niyo naman po ako at kayo lang po pala yan Madre Candelaria" wika ko at napahawak pa ako sa dibdib ko.
"Paumanhin Catherina kung nagulat kita" pagsosorry niya sa akin at lumapit ako ng kaunti sa kanya "nga pala kanina ka pa hinihintay sa hapag halika ka na magayos ka na ng iyong damit upang makapagsimula na tayong kumain at pagkatapos ay magrorosaryo tayo" wika ni Madre Candelaria sa akin at hindi mawala sa isipan ko yung kanina. Goshhh!
BINABASA MO ANG
The Unexpected 19th Century Journey
Historical FictionCatherine McKinley in short Cath, isang popular student ng kanilang school una sa lahat maganda at sobrang talino, manang mana sa grandparent niya na model, lahat na sa kanya pero nasa sinapupunan pa lang siya ng Mommy niya ay sinabihan na siya ng i...