Kabanata 59 - Nasaan ang Mahiwagang Orasan?

663 36 40
                                    

Kabanata 59 – Nasaan ang Mahiwagang Orasan?

1891

Ciudad De Santa Clara De Asis

----------

"Catherine nasaan mo inilagay ang mahiwagang orasan!?" seryosong tanong ni Donya Anastacia sa akin at ako naman ay inaalala kung saan koi top nailapag.

Sa tagal na panahon simula ng umalis an gaming pamilya sa tahanan naming sa hacienda Montecillo ay nawala na sa loob ko kung saan koi to nailagay.

"Sorry po Donya Anastacia, hindi ko po maalala kung saan koi to nailagay" paghingi ko ng sorry kay Donya Anastacia.

"ANO!?" sigaw ng donya at nagulat naman ako sa sigaw niya na 'yon, kasalanan ko din pero nawala sa loob ko kung saan koi to nailagay.

Pisteng yawa saan ko ba nailagay 'yon!? Panigurado akong nakalimutan kong dalhin iyon o baka naiwan ko mismo sa hacienda Montecillo.

"Por dios santo Catherine hindi maaring mawala ang mahiwagang orasan sapagkat isa ito sa misyon mo na pangalagaan ang orasan!" May inis na sambit ni Donya Anatacia sa akin at ngayon pa lang kailangan ko ng hanapin iyon kung hindi patay ako nito.

Dios mio ka self palagi ka na lang ganyan may pagkaburara.

"Nakasisiguro po ako na naiwan ko ito sa akin kwartoi o kung saan man sa mansyon sa hacienbda Montecillo, Pahintulutan niyo po sana akong lumabas upang hanapin ko ang nawawalang orasan" paalam ko sa kanya.

"Dios mio ka Catherine nanghihina na ako at binibigyan mo pa ako ng sakit sa ulo" sambit ng donya at napakamot na lang ako sa ulo ko, kasalanan ko rin naman kaya wala akong karapatan magalit kung napagalitan ako "Bibigyan kita ng hanggang bukas, dapat ay mahanap mo na ang mahiwagang oras kung hindi ay isa na naman problema ito" inis na inis na banggit ni Donya Anastacia at nagwalk out ito palabas ng kwarto ko.

"Senyorita mukhang isa na naming pagsubok na naman ito" sambit ni Veronica at nagpakawala ako ng isang buntong hininga.

"Kailangan kong mahanap iyon Veronica kaya tulungan at samahan mo ako, babalik tayo sa Hacienda Montecillo" sabi ko kay Veronica at tumango siya bilang tugon.

-------------------------------

Samantalang ang pamilya ni Crisostomo ay nagsimula ng magtago pinabayaan na nila ang kanilang naiwang hacienda at dinala na lang ang mga dokumentong magpapatunay na sa kanila ang hacienda santibanez at mga salaping nailigtas mula sa sunog, sapat na iyo bilnag pangtulong sa rebelyong lalaban sa gobyerno ni Facundo.

Sa itaas ng bundok nananahan ang mga rebeld sa liblib at tagong lugar kung saan tanging mga tapat na kasapi ng rebelyon lang ang maaring maglabas masok, palihim na sinusuportahan ng mga mayayamang Pilipino ang samahan na ito upang lumaban sa mapang abusong kastila.

Sa loob ng isang kubo nagpapagaling ang pinuno ng mga rebelde na siyang natamaan ng bala ni Heneral Castellano ng magpang abot ang pangkat nila at pangkat ng mga guardia sibil.

Mahimbing na natutulog ang pinuno nila ng bigla itong magising at hinahabol ang kanyang hininga, pawis na pawis din ito na para bang hinabol siya ng kabayo.

"Pinuno anong nangyari sa iyo?" sambit ng isang babae na naglilinis ng kanyang silid tulugan.

At akmang tatayo na sana siya ngunit naparay siya sabay haak sa kanyang sugat na natamaan ng bala.

"Pinuno hindi mo pa po kaya sapagkat malala po ang iyong tama" sambit ng babae at pinigilan niyang tumayo ang kanyang pinuno.

Sa sobrang sakit ay napabuntong hininga ito at huminga na lang uli.

The Unexpected 19th Century JourneyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon