Kabanata 16 - Kamatayan
17 de Mayo de 1890
Ciudad de Santa Clara de Asis~~~~~~~~~~~~~~~~~
Santa Clara pinong pino ako po ay bigyan niyo ng asawang labintatlo sa gastos walang reklamo.......
Hindi ba ganun yung lyrics nun? Hehehe hindi biro lang parody kasi yun eh.
Patuloy pa din ang kasiyahan sa buong bayan at ang lahat ay masaya na tila kinalimutan ng mga Pilipino ang pangaalipusta sa kanila ng mga kastila.
Halos nasa labas lahat ng tao at nanonood ng parada at nakikisayaw sab na din sa pag indak ng tugtuging Santa Clara at bawat tahanan ay may kanya kanyang handaan
Grabe hindi din ako makapaniwala na makakadalo ako sa Pista ni Santa Clara sa panahon na ito at pribilehiyo ito para sa'kin.
Ngunit kahit halos magiisang oras na kaming nagpaparada ay hindi ko pa din mawala sa aking isipan yung nakita ko kaninang nakaitim na may akay-akay na bata at kinikilabutan din ako.
Pakiramdam ko nakita ko si kamatayan sa totoong buhay eh...... Pero kung si kamatayan man yun bakit walang dalang karit?
Buong prusisyon halos mukha akong pinagsakluban ng langit at lupa...... Sinusubukan ko mang ngumiti ngunit kaso pilit lang ito kaya dinadaan ko na lang sa pakaway-kaway para hindi ako masabihan ng mga nanonood na suplada. -_-
"Binibining Catherina" Tawag sa'kin ni Crisostomo habang nagmumukha kaming kandedato sa kakakaway dito, at hinarap ko naman siya "Napapansin ko lang na simula nang umandar itong karwaheng sinasakyan natin ay tila may bumabagabag sa iyong isipan at parang pilit ka lang ngumiti, may suliranin ka bang iniisip Binibini?" tanong niya sa'kin at napailing-iling naman ako.
"Wala to Ginoong Crisostomo, simple lang itong suliranin ko kaya huwag ka nang mag alala pa" wika ko sa kanya at baka problemahin niya pa yun kapag sinabi ko sa kanya.
Nagtama ang mga mata naming dalawa kaso agad naman akong umiwas ng tingin mula sa kanya.
"Binibini kahit sandaling panahon pa lang tayong nagkakakilala ay alam ko na kung nagsisinungaling ka o hindi" wika niya at napatingin ako sa kanya at kunot noo ko pa siyang tinignan.
Ang kulit din talaga nitong Ginoong to.
"Wala nga Ginoo...... Ano lang kasi yung nakita ko kanina eh hindi ako sigurado kung multo o tao basta nakakakilabot at nakakatkot kapag naalala ko" sabi ko sa kanya at pakiramdam ko nasa paligid lang yung nakaitim at mukhang sinusubaybayan ako.
BINABASA MO ANG
The Unexpected 19th Century Journey
Historical FictionCatherine McKinley in short Cath, isang popular student ng kanilang school una sa lahat maganda at sobrang talino, manang mana sa grandparent niya na model, lahat na sa kanya pero nasa sinapupunan pa lang siya ng Mommy niya ay sinabihan na siya ng i...