(P.S: HUWAG KALIMUTAN MAGVOTE AT COMMENT!)
Kabanata 55 – Sa Kampo ni Heneral Castellano
Ciudad de Santa Clara de Asis
1891
------------
Marami ang naaawa ngunit wala naman magawa dahil sila ay mahina, kung sila man ay tumlong sa mga inaapi ay tiyak na sila rin ay aapihin, walang hustisya sa panahon na ito at hindi alam kung hanggang saan at hanggang kailan ito magtatagal, ngunit gusto ng kumawala sa kadena ng dayuhan na matagal ng nagpapahirap sa ating bayan, kung puro alab lang ng puso ang paiiralin ay walang kalayaan na makakamit.
Dapat ito'y gamitan ng talas ng utak at masusing pagaaral ng mga galaw upang sa kasiguraduhan ng kalayaan ay ating mahahawakan.
Hindi makatulog si Crisostomo ng ilang araw simula ng makita niya si Veronica na tapat na tagapagsilbi ng mga Montecillo na siya rin na nakaalam na si Catherine ay hindi tunay na Catherina at nagmula sa hinaharap.
May kutob si Crisostomo na may alam si Veronica kung nasaan na nga ba si Catherina, ngunit ang hindi niya alam ay wala itong ideya kung nasaan ang babaeng mahal niya.
-----------------
Sa liblib na lugar kung saan nakapiit si Veronica ay maririnig mo ang kanyang sigaw at iyak na pinahihirapan ng mga guardia sibil at ni Heneral Castellano.
"Saan niyo po dinala si Donya Catalina!?" tanong ni Veronica sa mga guardia sibil na nasal abas ng kulungan niya.
"Hoy babae huwag kang maingay diyan kung hindi hahagupitin kita!" pagbabanta kay Veronica ng isa sa mga bantay.
"Nakikiusap ako sa inyo, maawa kayo sa akin wala naman akong laban pakawalan niyo na ako" pagmamakaawa niya sa mga guardia sibil ngunit nagbibibngi bingihan lang ang mga ito sa kanya.
"Wala naman kaming kasalanan sa inyo bakit niyo kaming pinahihirapan ng ganito!" ani pa niya na may pagsigaw at kinalabog niya pa ang rehas ng kanyang kulungan "PAKAWALAN NIYO AKO DITO WALA AKONG KASALANAN!" hiyaw niya pa ngunit hindi siya pinapansin ng mga ito.
Nang mainis ang isa pang guardia sibil ay dinabog nito ang rehas ng kulungan ni Veronica at tinutukan ito ng baril, napalayo naman si Veronica sa sulok at natahimik.
"Kung hindi ka titgil ay sasabog iyang ulo mo!" banta ng guardia sibil sa kanya at dinuraan pa ito.
Nanginig sa takot si Veronica at unti unti siyang nawawalan ng pagasa na makawala sa kinapipiitan niya.
"Diyos ko tulungan niyo po ako, ayaw ko pong mawalan ng pagasa ngunit unti unting nawawala ng dahil sa mga nangyayari na ito, huwag niyo po sana kaming pababayaan, lalo na si Senyorita Catherina, alam ko pong buhay po siya at naniniwala ako do'n, Diyos ko kayo na po ang bahala sa amin" dasal ni Veronica sa kanyang isip at napaiyak pa lalo siya.
Lumipas ang isang oras at nakatulala lamang si Veronica sa sa kawalan mula sa kanyang kinauupuang malamig na lupa, halata sa itsura ang kawalan ng pagasa at nagdudusa sa gutom at uhaw.
Sa labas ng piitan ay may paparating na dalawang mayamang babae na nakabelo ang kanilang mga mukha may dala dala silang mga pagkain at kanilang kakausapin si Heneral Castellano.
Nang papasok na ang kanilang kalesa sa loob ay hinarang sila panandalian ng mga nakabantay na guardia sibil.
"Buenas tardes senor" (Magandang Gabi Ginoo)" ani ng babae sa guardia sibil na humarang sa kanila.
"Sino ka at tanging may padala lamang ng sulat ang maaaring makipagkita sa heneral" sambit ng isang guardia sibil sa babae.
"Ginoo alam ni Heneral Castellano na paparating ako at may mga dala akong mga regalo bilang kapalit ng aking pagpunta sa kanya" sambit pa ng babae at bumaba ito sabay turo sa mga dala dala niyang mga kabayo na may hila hilang mga kagamitan at mga pagkaing prutas at ang ilan dito ay mga kumikinang na ginto't salapi.
BINABASA MO ANG
The Unexpected 19th Century Journey
Historical FictionCatherine McKinley in short Cath, isang popular student ng kanilang school una sa lahat maganda at sobrang talino, manang mana sa grandparent niya na model, lahat na sa kanya pero nasa sinapupunan pa lang siya ng Mommy niya ay sinabihan na siya ng i...