Kabanata 15 - Pista ng Bayan

3.6K 106 27
                                    


Kabanata 15 - Pista ng Bayan

15 de Mayo de 1890

Ciudad de Santa Clara de Asis
Capitolio Ciudad de Santa Clara de Asis

~~~~~~~~~~~~~~~~~

"Somos el poseedor de la tierra que hemos reclamado de nuestra familia! (Kami ang nagmamay ari ng lupang pilit niyong inaangkin mula sa pamilya namin!)" sigaw ni Ama kay Don Fernando habang nagtatalo silang dalawa sa harap ni Gobernador Santiago.

"¡No lo reclamamos! ¡Porque nuestra familia lo posee! (Hindi namin inaangkin yun! Dahil pamilya namin ang nagmamay-ari nun!)" Sigaw na tugon ni Don Fernando at nakita kong walangh masabi si Gobernador Santiago sa pagtatalo ng dalawang Don.

Maski kaming mga nakakasaksi sa pagtatalo nila ay nakanganga na lang at wala na ring masabi, paulit ulit at paikot ikot na lang yung mga sinasabi nila, hindi na natapos.

Nuestros antepasados ​​cavaron el suelo para que pudiéramos superarlo! ¡No es justo! (Ang mga ninuno namin ang nagbungkal ng mga lupa na yan upang mapasaamin lang tapos aangkinin niyo lang!? Hindi makatarungan ito!)" sigaw pa ni Ama at ako kanina pa ako naiinip at naiirita sa pagpapalitan nila ng sigaw, halos lahat na yata ng games dito sa phone ko nilaro ko na. -_-

Anong oras pa ba matatapos to? Mukhang wala na yata silang balak na tapusin tong pagbabangayan nila ah!? Halos magdadalawang oras na silang nagpapalitan ng paulit ulit at nakakasawang salita.

" sabes que la tierra ha sido derribada, pero tus antepasados ​​la dieron a nuestros antepasados ​​como regalos (Ang mga ninuno niyo nga ang nabungkal ng lupa, ngunit ito ay ibinigay ng mga ninuno niyo sa ninuno namin bilang regalo!)" Medyo galit na wika ni Don Fernando, hay nako! Naiinina ako! Pero hindi ko naman magawang pigilan sila dahil usapan nila yun at bawal mangielam ang katulad ko.

The Unexpected 19th Century JourneyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon