Kabanata 49 - Donya Hilaria Mondragon

909 30 23
                                    

Kabanata 49 - Donya Hilaria Mondragon

Ciudad de Santa Clara de Asis

1890

"Gising na ba ang babaeng 'yan?" rinig kong sabi ng isang babae ng maalimpungatan ako.

Lalo akong nagising ng maramdaman kong binuhusan ako ng tubig sa mukha at napabalikwas ako ng bangon at pinunasan ko ang mukha ko at nakita ko sa harapan ko sa Donya Hilaria kaya naman napakunot ang noo ko kasi anong ginagawa niya dito?

"Ayon magigising na din naman pala kaya ngayon magsimula ka na ng paninilbihan mo sa pamilya ko ngayon din" sambit niya at napatayo ako.

"Ano'ng pinagsasabi mo ha? Hoy kay Donya Peregrina ako nagsisilbi" matapang kong sabi sa kanya at napatawa pa siya.

"Si Peregrina ay iniwan ka na dito at napagkasunduan namin na ikaw ang gawing pambayad sa natitirang utang niya sa akin kaya simula ngayon dito ka na magtatrabaho sa akin" wika niya at napangiwi ako.

"A-ano!? Hindi maaari sa kanya ako nagtatrabaho at hindi sa iyo kaya aalis na ak dito!" sabi ko at akma na sana akong lalabas ng bahay niya kaso pinigilan niya ako.

"Makaaalis ka lang sa bahay na ito kung kaya mong bayaran ang utang ni Peregrina sa akin?Hindi kaya ay ipadadakip ko siya o ikaw sa mga guardia" napakahayop talaga nitong Hilaria na 'to sinasadya niya 'tong gawin dahil gusto niyang gumanti sa akin.

"Hindi maaari" hindi na ako makapagsalita at mukha mapipilitan akong magtrabaho dito sa kanila kahit ayaw ko.

"Maaari 'yon Catherina kaya ngayon ay magsimula kana ng iyong pagsisilbi, simulan mo sa bodega ngayon na!!!" galit niyang utos sa akin at naikuyom ko 'yong kamay ko at napahinga ng malalim. Okay Catherina kumalka ha baka mamaya magsabunutan kayong dalawa at bigla ka na lang ipabaril sa mga guardia sibil, tandaan mo may mga misyon ka pa a panahon na ito.

Nang makahinga na ako ng malalim ay napatingin ako kay Donya Hilaria.

"Oo na dito na ako magtatrabaho, ano masaya ka na?" tanong ko naman sa akanya at bigla naman siyang nainis sa sinabi ko.

"Aba ay nuknukan ng kabastusan ang bibig mo ha Catherina!? Hindi ka talaga marunong gumalang!?" galit niyang sabi sa akin at kaagad siyang lumapit sa akin at marahas niyang hinawakan ang buhok ko at hinila "Kung hindi ka tinuruan ng iyong Ina na gumalang, pwes dito matuto ka! Tandaan mo nasa paa na lang namin kayo at walang wala na kayo ng pamilya mo dito sa bayan na ito, isa na lamang kayong mahirap at alipin! Hindi na kayo Don at Donya para umasta na akala mo mayaman, mahirap pa kayo sa daga ngayon!" masasakit na sabi niya sa akin ang i felt that.

Pagkatapos niyang sabihin iyon ay pasampal niya akong binitawan at napahawak naman ako sa ulo ko kasi ang sakit niyang manabunot letse siya!

"Naiintindihan mo ba ako ha!?" sigaw na tanong niya pa.

Siyempre hindi ako umiyak noh pinakita ko na matapang ako at hindi padadaig sa pananakit na ginawa niya, pinakita ko na parang wala lang at tumayo ako ng maayos at pinagpagan ang sarili.

"Opo Donya Hilaria masusunod po" pilit kong sabi at kaagad ko siyang nilisan at nagtungo sa kusina nila, hindi ko alam ang pasikot sikot dito sa impyerno nila kaya magtatanong na lang ako sa mga kasambahay dito.

The Unexpected 19th Century JourneyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon