Kabanata 25 - Ang IntramurosColegio de Santa Maria Magdalena
Intramuros, Maynila"Ay Ginoong Crisostomo!" gulat kong sabi kasi nasa harapan ko siya bigla ng tanggalin nila Luciana at Louisa yung kamay nilang nakatakip kanina.
Napatawa na lang si Crisostomo sa ginawa kong reaksyon, nakakahiya naman ano ba yan! Sila kasi eh!
"Magandang Umaga sa iyo Binibining Cathy" wika ni Crisostomo sa akin at ngumiti ako syempre ayun tinawa niya sa akin eh.
"M-magandang umaga din sa iyo G-ginoong Cris" takte! Bakit ako nauutal sa pagsasalita? Umayos ka nga diyan Cath!
"Cathy at Cris ano iyon?" Sabay sabay na tanong sa amin nung dalawa kong kapatid.
"Ah w-wala yun ano ba naman kayo tawagan lang naming dalawa yun" paliwanag ko "Diba Ginoong Cris?" Sambit ko at napatango lang si Crisostomo bilang tugon.
Maya maya sa hindi kalayuan ay nakita ko si Diego nakamasid sa amin habang nasa likuran ng punong malaki at panigurado ako na tinatanaw niya kung kasama ba namin si Isabella.
Kay lalande ang putek.
"Nako kayong dalawa ha may Kris at Kati pa kayong nalalaman na tawagan ha" pang aasar ni Luciana sa aming dalawa at napatawa lang kami.
"Halika ka na Luciana bumalik na lang tayo sa ating silid huwag na nating gambalain ang ating kapatid at si Ginoong Kris?" Aya ni Louisa kay Luciana at tumalikod na sila para layasan kami at wow ha nakikitawag na rin sila ng Cris?
Hoy! Ako lang may karapatang tumawag ng Cris sa kanya!
Maya maya ay nanlaki ang mata ko ng makita kong magkasama na sila Diego at Isabella sa labas at sandali itong nagyakapan, nagmasid-masid pa si Diego kung may makakita sa kanila at ng okay na eh patakbo silang tumakas.
"Sandali? Louisa parang si Isabella yung nakita ko sa labas ah" wika ni Luciana at napalingon siya sa labasan at nanlaki naman ang mata ko.
Patay! Napansin pa ni Luciana yung kapatid niya.
"Si Isabella?, ang bunso natin nasa palikuran at naliligo yata" salita naman ni Louisa habang nakakunot noo ito.
BINABASA MO ANG
The Unexpected 19th Century Journey
Historical FictionCatherine McKinley in short Cath, isang popular student ng kanilang school una sa lahat maganda at sobrang talino, manang mana sa grandparent niya na model, lahat na sa kanya pero nasa sinapupunan pa lang siya ng Mommy niya ay sinabihan na siya ng i...