(Author's note: Ito na talaga, lets go epilogue at mahaba ang huling kabanata na ito kaya sana magustuhan niyo, hinga ng malalim at huwag kalimutan mag vote at commen!
Btw may isusunod akong story another historical fiction ang title is "Margaret (Unable to Stay, Unwilling to Leave)" panahon naman ito ng world war 2 sa united kingdom kalaban naman is mga nazi german)
Kabanata 65 - Epilogo
Manila, 2053
-------------------
Lumipas ang ilang linggo simula ng bumalik si Catherine sa kasalukuyan, halos balutin lang siya ng kalungkutan at hindi makatuon ng pansin sa kanyang ginagawa, nagging madalang din siyang kumain at halos wala na siyang gana, labis niyang dinamdam at hindi matanggap na kailangan niyang iwanan si Crisostomo sa panahon niya.
Walang gabi na hindi nakalugmok nag kanyang mukha sa unan para lang ilabas ang hinanakit niya at iluha ang mailuluha, minsan siya'y naririnig ng kanyang Mommy Sian ngunit ayaw niyang magkwento sa kahit sino, hindi pa siya handang magsalita.
Kasabay ng kanyang pagbabalik sa kasalukuyan ang pagkawala ng alaala ng kanyang ina tungkol sa misyon ng anak niyang si Catherina sa panahon ng mga kastila.
Nasa harap ngayon ng laptop si Catherine at gumagawa siya ng homework, halata sa mata niyang pagod na siyang umiyak at wala rin siyang gana gumawa ng kahit ano, kanya ring nakalimutan kung saan niya nailagay ang cellphone at backpack niya, ang hindi niya alam ay nakaligtaan niya ito sa panahon ng mga kastila.
Sa pagpasok niya araw araw sa paaralan, kadalasan nahuhuli siya ng kanyang guro na malayo ang tingin o hindi kaya lutang kaya sanhi ito kaya siya'y napagagalitan.
"Catherine!?" sigaw ni Ma'am Gonzales na kanyang guro dahil nahuli na naman siyang nakatulala at hindi nakikinig sa kanyang klase.
Nabalik naman sa katinuan si Catherine dahil dito at nagsalita naman ang kanyang bestfriend na si Milene.
"Huy Cath! kanina ka pa tinatawag ni Ma'am Gonzales" wika ni Milene na nasa likuran niya.
"Ay ano po iyon Ma'am?" tulirong tanong ni Cath at napakamot ulo pa siya.
"Ms. Mckinley mukhang napapadalas na yata ang pagiging tulala mo sa oras ng klase, may problema ka ba?" tanong ni Ma'am Gonzales.
Napaisip si Catherine ng ilang saglit at nakaramdam na naman siya ng kalungkutan.
"Problema? W-wala po ma'am Gonzales, pasensya na po kailangan ko na pong umalis" sambit ni Catherine at binitbit niya ang bag niya sabay labas ng classroom.
"Cath!" tawag ni Milene kaso hindi man lang siya nilingon nito at nagdirediretso siya palabas.
"Gusto mo bang sumunod sa kanya Milene? Kakaltasan ko ng limang puntos ang grado mo ngayong araw" banta ni Ma'am Gonzales at hindi na lang kumibo si Milene at nagaalala siya ngayon sa pinagdaraanan ng kaibigan.
Nagpatuloy lang sa paglakad si Catherine hanggang sa siya'y dalhin ng kanyang mga paa sa cr ng mga babae at doon ay nagkulong siya at ni-lock ang pinto, humarap siya sa salamin at nakita niya ang itsura niyang matamlay at kulang lagi sa tulog kaiiiyak gabi gabi, bumagsak na naman ang mga luha niya at napahawak na lang siya ng mahigpit sa lababo at kanyang hinilamusan ang mukha.
"Bakit ba ako nagkakaganito? Dapat ng masaya na ako dhil natapos na 'yong misyon ko" bulong niya habang binabasa ang kanyang mukha.
"Bakit si Mommy nakalimutan na may misyon akong ginawa pero 'yong nararamdaman ko para kay Crisostomo nandito pa din? Ano ba pahihrapan ba ako nito habang buhay?" salita pa niya at napasabunot na lang siya sa buhok niya "Ang hirap ng ganito, hindi dapat ako mabuhay sa ganito" salita pa niya sa isipan niya.
BINABASA MO ANG
The Unexpected 19th Century Journey
HistoryczneCatherine McKinley in short Cath, isang popular student ng kanilang school una sa lahat maganda at sobrang talino, manang mana sa grandparent niya na model, lahat na sa kanya pero nasa sinapupunan pa lang siya ng Mommy niya ay sinabihan na siya ng i...