Kabanata 60 – Bunyag
1891
Ciudad de Santa Clara de Asis
------------------
"Alam kong ikaw iyan Catherina, kaya huwag mo na akong linlangin pa at hubarin mo ang iyong maskara!" utos sa akin ni Donya Hilaria at hindi ko inaasahan ang pagkakataon na ito.
"Oh ayan na" at inalis ko 'yong maskarang soot ko at binalibag ko sa mukha niya, tumama naman ito at napatawa ako.
"Bastos ka talagang babae ka wala kang modo!" galit na sambit ni Donya Hilaria at kinasa niya yong hawak niyang baril.
"Sabi mo alisin ko hindi ba? Wala ka naming sinabing bawal ko ibato sa'yo?" pagtataray ko sa kanya.
"Hindi ko alam kung paano mo nagawang linalangin kaming lahat at paniwalain na anak ni Crecensia, pero itong tatandaan mo—"
"Ayaw kong tandaan hayop ka, sawang sawa na ako sa pagbabanta mong impakta ka sukang suka na ako sa paguugali nyong masama kasama ang asawa mo, mga gahaman!" pagpipigil ko sa sabi niya at lalo siyang nainis sa akin.
Babarilin na sana niya ako kaso maswerte naman at nakaiwas ako, kaagad kong nilapitan si Donya Hilaria at hinila ang buhok sabay subsob sa kanya sa sahig, panigurado akong may nakarinig na ng putok ng baril sa labas at papunta na dito sila Don Facundo kaya kailangan ko ng umalis.
Hawak pa rin niya ang mahiwagang orasan at alam niyang kailangan koi to kaya naman itinago niya ito sa loob ng damit.
"Akin na ang orasan ibigay mo sa akin!" salita ko sa kanya at pilit kong kinukuha sa loob ng damit niya pero nakikipag agawan siya sa kin.
"Alam kong mahalaga sa iyo to kaya naman hindi ko hahayaan na mapunta ang bagay na to sa mga kamay mo!" sabi ni Donya Hilaria at pilit kong kinukuha 'yong orasan saknaya pero makulit siya.
"Ibigay mo lang sakin yan at hindi ko na kayo gagambalain pa!" sigaw ko at maya maya'y hinampas niya sa batok ko 'yong baril niyang nabitawa at napabitaw ako sa kanya dahil sa sakit.
"Masakit 'yon ha hayop ka!" sabi ko at napahawak pa ako sa batok ko kasi ang sakit sobrang sakit ng ginawa niya sa'kin, susunugin ko mukha nito.
"Paano ka ba nabuhay Catherina? Paano mo naging kakampi si Crecensia?" Tanong niya habang nakatutok ang baril sa'kin "Nakatitiyak din ako na is aka sa mga rebeldeng sumasalak dito sa Santa Clara? Dapat kang mamatay sapagkat tanging gulo lang ang hatid mo sa bayan na 'to!" sigaw niya at lalong kumulo ang dugo ko sa kanya.
"Ako glo ang hatid sa bayan na 'to?" sabi ko at napatawa pa ako "Kayong dalawa ng hayop mong asawa ang nagdala ng kaguluhan sa bayan na ito! Simula ng maupo kayo sa pwesto dahil pinapatay niyo si Gobernador Santiago..." nagulat siya sa sinabi ko at napaatras "bakit gulat na gulat ka ha Donya Hilaria? Hindi k aba makapaniwala na alam ko na kaya nasa pwesto ang asawa mo'y dahil pinatay niyo si Gobernador Santiago?" sabi ko sa kanya at siningkitan ko siya ng tingin, umiwas naman siya ng tingin sa akin.
"W-walang katotohanan ang iyong pinararatang sa amin Catherina, sino ka upang husgahan kami ng ganyan!?" nauutal na wika ni Donya Hilaria at bakas sa kanyang mukha na guilty siya.
"May karapatan ako sapagkat alam ko ang totoo at bahong tinatago niyo!" tugon ko sa kanya "Hindi ba isa rin sa inyong plano na kamkamin ang lahat ari arian ng mga mayayaman dito sa Santa Clara at isa na kami sa nagging biktima niyo, tinataasan ang buwis kahit hindi tama hanggang sa maubos ang aming salaping pambayad at mga lupa" salita ko pa.
![](https://img.wattpad.com/cover/110700810-288-k35633.jpg)
BINABASA MO ANG
The Unexpected 19th Century Journey
Historical FictionCatherine McKinley in short Cath, isang popular student ng kanilang school una sa lahat maganda at sobrang talino, manang mana sa grandparent niya na model, lahat na sa kanya pero nasa sinapupunan pa lang siya ng Mommy niya ay sinabihan na siya ng i...