Kabanata 10 - Cellphone / Selpon

3.8K 133 63
                                    

Kabanata 10 - Cellphone / Selpon

Ciudad de Santa Clara de Asis
Hacienda Santibañez

9 de Mayo de 1890

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~


"Ama! let me explain" shemay! Anong ginagawa nila dito? Lalo na ni Don Carlos bakit siya nandito? Alam ko nagpaiwan siya kanina sa Hacienda Montecillo tapos ngayon humabol siya?

Kinunutan lang ako ng noo ni Don Carlos at ng iba pa niyang kasama, nagsimula ng kumabog ang puso ko, Waahh! I'm panicking!

"Ang ibig ko pong sabihin Ama ay magpapaliwanag ako...... M-mali po kayo ng iniisip!" nagpapanic kong depensa kay Don Carlos kasi alam kong iba na yung tumatakbo sa isipan niya, sila Luciana, Louisa at Isabella naman ay parang kinikilig ng makita kaming dalawa ni Crisostomo.

Mga lokaret!

Mukha tuloy kaming basang sisiw ni Crisostomo ngayon. -_-

"Lumayo ka sa taong yan Catherina!" sigaw ni Don Carlos at nagulat ako ng bigla niya akong hilahin papalayo kay Crisostomo.

Aray ko ah! Masakit yung pagkakahila niya sa akin at tinignan ako ng masama ni Don Carlos yung tingin na parang malalagot siya sa akin mamaya.

"Carlos! Nasasaktan ang anak mo!" sigaw ni Doña Catalina sa asawa niya kasi yung kamay ko eh mahigpit niyang hinahawakan at ako naman eh dumadaing na ako sa sakit.

"Hey! Its hurt!-- este! Ama nasasaktan po ako!" nakakalimot na naman ako na ako si Catherina sa panahon na ito.

"Isang kalapastanganan sa akin ang ginawa mo Catherina!" ano daw? Kalapastanganan? Ano bang ginawa kong mali? Nababaliw na ba tong tatay ni Catherina?

"Don Carlos huminahon po kayo nagkakamali po kayo ng iniisip" pakiusap ni Crisostomo at tiningnan siya ng masama ni Don Carlos.

"Tumigil ka! Sino ka para isama ang anak ko sa ganitong kaliblib na lugar? May masamang intensyon ka ba sa kanya?" wow naman ang OA din pala nitong tatay ni Catherina.

"Don Carlos nagkakamali po kayo ng iniisiip, wala po akong masamang intensyon sa anak niyo" sagot pa ni Crisostomo, bakit parang umurong naman ang dila ko at hindi ako makapagsalita? ano na bang nangyayari sa sistema ko't ayaw makisama nito "Sa katunayan po ipinapasyal ko lang po sa buong Hacienda si Binibining Catherina" hindi pa din binibitiwan ni Don Carlos yung kamay ko kahit nagpupumiglas na ako.

The Unexpected 19th Century JourneyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon