Kabanata 18 - Bessy
1 de Hunyo de 1890
Hacienda Montecillo
Ciudad de Santa Clara de Asis~~~~~~~~~~~~~~
"Esta no es la habitación para ti, ¡así que no lo digas! (Hindi sa iyo ang kwartong ito kaya huwag mong sabihin iyo ito!)"
Napasigaw ako ng wala sa oras at agad ko namang tinakpan yung bibig ko kaso nabitawan ko yung hawak hawak kong candelabra kaya ang dilim na ng paligid at tanging liwanag lang mula sa buwan ang pumapasok sa loob ng kwarto.
"Sino nandyan? Magpakita ka" utos ko at agad kong binuksan yung phone at kahit papano eh may charge pa naman itong 25% kaya binuksan ko yung flashlight para magkaliwanag kaunti sa kwarto na ito "Sumagot ka bingi ka ba?!" Utos ko pa at timapatan ko ng ilaw yung mga sulok sulok baka mamaya eh nandun lang pala nagtatago.
Napalunok ako at naglakas loob akong lumapit sa kung saan, pero bago ako lumapit ay kinuha ko muna yung candelabra para ipanghampas kung may akyat bahay man na nakapasok.
"Sumagot ka kung hindi sisigaw ako ng malakas at tatawag ako ng security guar-- este! Guardia civil"
"Hindi ba ikaw si Elizabeth Catherine Victoria Mckinley?" Halos lumuwa ang mata ko ng marinig kong binanggit niya ng buo yung pangalan ko.
Hala!? Kilala niya ako!? Pero paano? Teka..... magkukunwari akong wala akong alam sa sinabi niya.
"Huh? A-anong pinagsasabi mo? W-wala akong alam sa mga sinasabi mo! Sino ka ba ha? Bakit ayaw mong magpakita!? Siguro pangit ka noh?" Pagkukunwari kong sabi sa kanya at inasar ko pa siya.
"Catherine" geeezz! Ayaw na ayaw ko ngang tinatawag ako sa ganyang pangalan eh! Tinitiis ko na lang kapag tinatawag ako sa pangalang Catherina eh! "Huwag ka ng magkaila pa dahil kilala na kita at matagal na kitang sinusubaybayan simula ng mapunta ka sa aking katawan!" Oh my god! Kilala nga niya ako hala!Teka tao ba siya o multo? Galit ba siya o sadyang sumisigaw lang siya?
"Teka sino ka ba talaga? Paano mo naman ako nakilala ha? Nagkita naba tayo dati? Kung oo saan kailan o so what ever?" Tanong ko sa kanya at tumingin tingin ako sa kaliwa at sa kanan baka nasa likuran ko din siya o harap o kaya sa ibabaw at ilalim.
![](https://img.wattpad.com/cover/110700810-288-k35633.jpg)
BINABASA MO ANG
The Unexpected 19th Century Journey
Historical FictionCatherine McKinley in short Cath, isang popular student ng kanilang school una sa lahat maganda at sobrang talino, manang mana sa grandparent niya na model, lahat na sa kanya pero nasa sinapupunan pa lang siya ng Mommy niya ay sinabihan na siya ng i...