Kabanata 58 - Kasulatan

624 32 26
                                    

(DON'T FORGET TO VOTE AND COMMENT)

Kabanata 58 - Kasulatan

1891

Ciudad de Santa Clara de Asis

--------------

Mabilis na kumalat sa mga karatig bayan ang nangyaring labanan at sunog sa hacienda Santibanez, dahil dito ay nagplano ng maagi sila Gobernador Facundo at Heneral Castellano sa kung paanong paraan nila magagapi ang mga rebeldeng nanguguglo sa kanilang bayan.

Dahil sa nangyaring kaguluhan ay pinaigting ang oras kung kailan lamang puwede lumabas ng bahay at bawal nglumabas ang mga bata at matatanda, nagpadala na rin ng liham si Gobernador Facundo sa Gobernador Heneral upang humingi pa ng dagdag na pwersa para sa pagpapaigting ng seguridad ditto sa bayan, ipinagutos na rin niya na taas ang mga pader na kanyang pinagawa at bawat kanto nito ay may nagbabantay na mga guardia sibil na may nakahandang kanyon na maaari nilang gamitin sa kung sakaling sumugod ang grupo ng mga rebelde.

Kung noon na isinabatas ang batas military ay medyo maluwang pa sa paggalaw ang mga residente ngunit ngayon ay takot na ang lahat, halos wala ng nagtitinda sa pamilihan at karamihan ng mga nasa lansangan ay mga guardia sibil na veinte quarto oras kung mag patrolya sa bawat kalsada ng santa clara.

Pinapayagan lamang na makalabas ang mga tao kung sila ay magsisimba, ngunit katakot takot na sermon at pagpaparinig ng nakaiinis na prayle na si Padre Velasco, insult, pangyuyurak, at puro masasakit na salita lang ang laman ng sermon ng prayle.

----------

Sa ibang ibayo naman kung nasaan nag iisa ang binatang si Crisostomo ay nagising na lamang siya na nasa kakaibang lugar, kinusot niya ang kanyang mata para makita kung nasaan siya at nagiisa lamang

"Ama Ina?" sambit niya ngunit walang sumagot at maya maya ay biglang humangin ng malakas at tinatangay ang mga dahon ng puno, sinabayan ito ng kidlat at pagdilim ng kalangitan, gumilid naman si Crisostomo at sumilong sa malaking puno.

"Tila may bagyong paparating, nasaan ako at anong ginagawa ko dito? Ano ba ang nangyayari?" naguguluhan niyang wika at bigla naman siyang nakarinig ng malakas na pagsabog sa hindi kalayuan.

"Ano iyon?" sabi niya sa isipan niya at sa kagustuhan niyang malaman kung saan ito nanggaling ay umakyat siya sa malaking bato para makita ang nangyayari sa kabila dako.

Pagkaakyat niya ay gulat siya na bangin na ang kasunod nito at hindi siya makapaniwala sa kanyang nakikita, hindi rin maunawaan kung ano ang mga ito.

Nakikita ng kanyang dalawang mata ang isang digmaan sa pagitan ng nakaraan at kasalukuyan, nakikipagpalitan ng bala ng kanyon ang mga galleon mula sa taong 1521 kung saan pinamumunuan ito ni Ferdinand Magellan, laban sa mga barkong mula sa taong 1945 na siya naman pinamumunuan ni Heneral Douglas McArthur, sa timog naman ay nakikita niyang sumusugod ang pwersa ng mga Pilipinong mula sa taong 1899 na pinamumunuan ni Heneral Luna laban sa pwersa ng mga Briton na siya naming nanggaling sa taong 1762, napayuko naman bigla si Crisostomo ng muntikan na siyang matamaan ng bala mula sa mga nagliliparang eroplanong panggreya ng imperyong hapon na siyab naming nilalabanan ng pwersa ng mga amerikano.

Laking gulat niya na hindi na lang pala siya nagiisa do'n kundi may mga sundalong hollandes na nagmamartsa papunta sa norte na siyang lalaban sa mga guardia sibil na nagkalat dito.

Naguguluhan si Crisostomo sa mga nangyayari at hindi niya maunawaan kung anong ibig sabihin nito pero ang alam niya ay hinid maganda ito.

"Panginoon ko Diyos ko, ano po ba ng ibig sabihin ng mga nangyayari bakit iba sila hindi ko sila maintindihan" naguguluhan sabi ni Crisostom at iniyuko na lang niya ang kanyang ulo para hindi siya matamaan ng mga nagliliparan na bala at bomba.

The Unexpected 19th Century JourneyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon