Kabanata 30 - Pagmamalabi sa mga Haciendero
1890
Ciudad de Santa Clara de Asis
"Ina ahm.... M-maayos naman po kaming dalawa ni Ginoong Crisostomo" pagsisinungaling ko at napaubo naman yung tatlong kong kapatid. At mukhang hindi sila sang ayon sa mga sinabi ko.
"Mga anak may mga ubo ba kayong tatlo?" Tanong ni Ina nang mapansin niyang sabay na umubo yung tatlo.
Sinamaan ko sila ng tingin para tumigil sila jusme dapat hindi malaman nila Ama at Ina na nagkanda letche letche kaming dalawa ni Crisostomo.
"Ah Ina w-wala po nasamid lang po kami sa aming kinakain nagkataon lang po na nagkasabay sabay kami ng pag ubo" sagot ni Luciana at napatango na lang si Ina bilang tugon
"Naluklok na at lahat sa pagiging gobernador si Facundo ngunit wala pa ring katarungan ang pagkamatay ni Gobernador Santiago" bulong ni Ama at ngayon naman ay ako naman ang nasamid habang umiinom ng tubig kaya napaubo ako ng sobra. Dios mio para yatang [inasukan yung ilong ko.
"Catherina magdahan dahan ka lang sa pag inom nagmamadali kang bata ka" wika ni Ina at maya maya ay naging maayos na ako at natigil na din ako sa pag ubo kaso ang sakit sa ilong.
Haysss bakit ba ang daming nagpapahiwatig na kailangan ko ng kausapin si Crisostomo? Dios meh! Hindi pa ako handang kausapin siya ngayon at kailangan ng maraming lakas ng loob para makausap ko siya kasi feeling ko ngayon eh parang iisnobbin niya na ako gaya ng pagiwas ko sa kanya.
"Ama huwag po kayong mag alala darating din yung araw na makakamit din natin ang katarungan para kay Gobernador Santiago, siguro hindi lang muna ngayon pero malay natin sa makalawa, sa isang linggo o sa kahit anong araw ay malalaman din natin kung sino ang pumatay sa kanya" wika naman ni Louisa at napangiti si Ama sa sinabi ng anak.
"Ano na bang nangyari sa mga taong inutusan ng pamilya Santiago na magimbestiga sa pagkamatay ng kanila padre de pamilya? Wala na tayong nalamang balita at tila hindi naman inayos ng mga imbestigador ang kanilang trabaho dahil inabot na sila ng ilang buwan para lang malaman kung sino ang pumatay ngunit wala namang nangyari at nagaksaya lamang ng salapi!" may galit na wika ni Ina at kulang na lang ay ibalibag niya yung kinakainan niya plato sa kung saan.
Maya maya ay biglang humangin ng malakas at may nararamdaman akong kakaiba na hindi ko maipaliwanag kung ano ito. Basta kakaiba siya ang creepy at nakakakilabot pero hindi ko na lang ito pinansin at nagpatuloy na lang ako sa pagkain ko.
BINABASA MO ANG
The Unexpected 19th Century Journey
Historical FictionCatherine McKinley in short Cath, isang popular student ng kanilang school una sa lahat maganda at sobrang talino, manang mana sa grandparent niya na model, lahat na sa kanya pero nasa sinapupunan pa lang siya ng Mommy niya ay sinabihan na siya ng i...