"Walang Pinipiling panahon o lugar ang Pag-ibig, hindi rin nasusukat kung gaano kayo kabilis nagkakilala basta tapat ang puso niyong dalawa tiyak magkakatuluyan kayo ng pang habang buhay"
-----------------------------
-Prólogo-
"Oh my God Lord Please gabayan niyo ako sa gagawin kong ito" bulong ko sa sarili ko nang mabasa ko yung kontrata na halos mahigit isang daang taon na yung papel at sa totoo lang hindi ko alam kung mapagtatagumpayan ko ang misyon na ito.
Bakit kasi sa dinadami dami ng salin lahi na magaganap sa angkan ko bakit sa akin pa natapat? Pwede bang isilang na lang ulit ako at gawing bunso? Uurghh!!! Napakamalas ko namang tao hayst!!!!
"Catherine alam ko at buo ang tiwala ko sa iyo na mapagtatagumpayan mo ang mga misyon mo kaya manalig ka lang at malalagpasan mo din yan" pagpapagaan ng loob sa akin ni Anastacia at hinawakan niya ang kamay ko kaso. Nagdududa pa din ako sa kakayahan ko. My God My God huwag niyo po akong papabayaan.
"Doña Anastacia mukhang hindi ko po talaga kaya natatakot ako na baka po mabigo lang ak--" hindi na niya pinatapos yung pagsasalita ko dahil nilagay niya yung point finger niya sa labi ko. Kaya napakunot noo na lang ako at siya naman yung mukha niya seryosong nakatingin sa sa akin.
"Hindi ka pa nga nagsisimula sumusuko ka na agad? Ano ba namang kahinaan loob yan Catherine?" seryosong wika ni Doña Anastacia at napalunok na lang ako kasi baka mamaya maging dragon to at bugahan ako ng apoy sayang anmana ng ganda ko noh.
Itong gandang mayroon ako hindi gandang pang makalumang panahon kung hindi gandang pang modernong Maria Clara.
*Insert irap mata*
"Eh? Kasi naman po ang hirap hirap naman ng mga misyon ko noh duh! At baka po abutan pa ako ng Martial Law kapag hindi ko po ito nagawa noh! At tsaka ano po kaya ang itsura ko nun? Ang kulubot ko na po!!!! Eewwww!!!!" pagrereklamo ko at siningkitan lang ako ng tingin ni Doña Anastacia kaya natahimik ako at napalunok laway na lang ako.
Buti na lang at nagtootbrush ako bago ako mapunta sa panahon na ito. Kung uindi nako baka lait laitin ako ng mga lumang tao na nandito at sabihin eh amoy laway na bulok yung bunganga ko duh! Eww!!!
"Catherine? Makuha ka sa tingin" pagbabanta pa ni Doña Anastacia at hinawakan niya ako ng mahigpit sa magkabilang braso ko at tinitigan niya ako ng todo sa mga mata ko.
Makatingin naman siya sa akin parang hinuhukay yung kalamnan ko at parang ginagalugad na rin niya yung buong kaluluwa ko hay nako baka makalkal niya pa lahat ng kasalanan ko kaya makaiwas na nga ng tingin jusmiyo!
"HAYYY!!! Okay! Okay! Sige na sige na pumapayag na ako basta gagabayan mo po ako" tanong ko kay Doña Anastacia at napangiti naman siya at umaliwalas na yung mukha niya kanina na mukhang mangangagat na parang aso -_-
"Nandito lang ako Catherine para gabayan ka sa misyon mo at hindi ako mawawala sa tabi mo kaya lagdaan mo na ang kontrata" ani pa ni Doña Anastacia at binigyan ko na lang siya ng pilit na ngiti at pinahawak na niya sa akin yung sinaunang panulat ng nga kastila yung panulat na gawa sa feather ng bibe at basta yun na yun
Hinawakan ko na ulit yung kontrata at binasa ulit.
-Trece Misión necesita hacer-
• Mabago ang nakaraan.
• Mapanatiling lihim ang misyon at wala ng iba pang makakaalam hanggang sa ito ay matapos.
• Mapigilan ang Digmaan sa pagitan ng Nakaraan at Kasalukuyan.
•Mapangalagaan ang mahiwagang Orasan.
• Magpanggap bilang namatay at nabuhay na anak nila Don Carlos Montecillo at Doña Catalina Montecillo.
• Mapagbati ang Pamilya Montecillo at Pamilya Santibañez na halos 200 taon ng may alitan.
• Maging isang pamilya ang Montecillo at Santibañez.
• Mapatalsik ang mga mapangabusong dayuhan sa mga Anak ng Bayan.
• Malutas lahat ng misteryong kakaharapin ng Bayan ng Santa Clara.
• ----------------------------
• ----------------------------
• ----------------------------
• ----------------------------
Kapag napagtagumpayan mo ang lahat ng misyong nakatala ay matiwasay ka ng makakabalik sa panahon mo kapag hindi ay mananatili ka ng nakakulong sa nakaraan at doon ka na tatanda at mamatay.
Firmar por:
Elizabeth Catherine Victoria B. Mckinley, 1890
Hala? Bakit mayroong bullet na walang sulat? Ano ito may secret mission pa!?
Pinirmahan ko na yung kontrata at nanlaki ang mata ko nang biglang mag liwanag yung pirma ko at unti unting kinain ng liwanag yung buong papel at agad naman itong kinuha ni Doña Anastacia at biglang naglaho ito sa kamay niya.
Lord Please sana po naging tama ang desisyon ko........
BINABASA MO ANG
The Unexpected 19th Century Journey
Ficção HistóricaCatherine McKinley in short Cath, isang popular student ng kanilang school una sa lahat maganda at sobrang talino, manang mana sa grandparent niya na model, lahat na sa kanya pero nasa sinapupunan pa lang siya ng Mommy niya ay sinabihan na siya ng i...