Kabanata 19 - Masayang Anunsyo
2 de Hunyo de 1890
Hacienda Montecillo
Ciudad de Santa Clara de Asis~~~~~~~~~~~~~~
"Patay!" sabay naming bulong ni Catherina at nagulat ako ng bigla na lang siya naglaho na parang bula.
"Catherina may kasama ka ba diyan? buksan mo itong pinto ngayon din!" Medyo may pagtaas ng boses na wika ni ina kanina si Louisa labg yung narinig ko tapos ngayon kasmaa na si Ina?
Kumaripas ako ng takbo papalapit sa pinto at medyo ginulo ko yung buhok ko kaunti tapos nilawayan ko yung babang bibig ko para magmukha nasarapan ako sa tulog at binuksan ko agad yung pinto.
Agad namang tumambad sa aking harapan si Ina at yung dalaang loka loka na namamaypay, feeling ko tuloy ako si Cinderella tsaka si Doña Catalina yung stepmother ko at sina Louisa at Luciana yung ugly stepsisters.
Nagpigil ako ng tawa sa mga naisip ko ko baka kasi kapag tumawa ako eh bigla silang magtaka.
"Ina nakagugulat naman po kayo at bigla kayong kumatok ng malakas, ano po bang meron?" Kunwari kong tanong sa kanila at humawak hawak pa ako sa ulo ko para kunwari hindi talaga masama ang pakiramdam ko.
"Sino ang kasama't kausap mo dito Catherina?" Seryosong tanong ni Ina at medyo napalunok naman ako.
"Po? Kasama at kausap dito?" Wika ko at tinuro ko panyung loob ng kwarto ko "Ina wala po akong kasama o kausap dito at natutulog lang po ako kasi hindi po maganda ang pakiramdam ko" depensa ko sa kanila at yung dalawa kong kapatid eh mukhang hindi kumbinsido sa mga palusot ko.
"Kapatid narinig kasi naming dalawa ni Louisa na parang may kausap ka dyan sa loob ng iyong silid tulugan kaya nagtaka kami at saktong umakyat din si Ina dito sa taas at nakita kami kaya tinanong kami kung bakit kami nagkukumpulang dalawa dito ni Louisa kaya nasabi namin kay Ina" paliwanag naman ni Luciana at medyo napakagat labi ako, Gosh! Ang ingay ko kasi kanina at baka narinig nila yung sigaw ko!
Urghh! Hindi ka nagiingat Cath! malilintikan ka niyan sa ginagawa mo eh!
"Wala akong kausap Luciana at Louisa dito tulog ako at baka yung narinig niyong mga salita eh baka nagsasalita ako habang tulog" wika ko pa sa kanila at nagkatinginan silang dalawa at mukhang matibay naman ang dahilan ko kaya medyo nakahinga na ako ng malalim.
BINABASA MO ANG
The Unexpected 19th Century Journey
Fiksi SejarahCatherine McKinley in short Cath, isang popular student ng kanilang school una sa lahat maganda at sobrang talino, manang mana sa grandparent niya na model, lahat na sa kanya pero nasa sinapupunan pa lang siya ng Mommy niya ay sinabihan na siya ng i...