Kabanata 29 - Bagong Gobernador
1890
Intramuros, Maynila"INDIO!" sigaw ko at napansin naman niya ako "Dito ka magtago bilis!" at bumaba naman siya mula sa bubungan pero pinaputukan ulit siya ng baril mabuti na lang ay nakaiwas siya.
Laking gulat ko na mula bubong na tinalunan niya ay kumapit siya sa bintana ng bahay at nag ala unggoy siya kakalambitin sa kung saan siya makahawak.
"Prinsesa!" Wika niya at nanlaki ang mata ko ng papatalon siya sa akin at iiwas na sana ako ang kaso dinambahan na niya ako.
Nahatak niya ang katawan ko kaya nagpagulong gulong kaming dalawa mga tatlong gulong lang nang mahinto kami sa paggulong ay napakalikabok kaya napaubo ubo pa kaming dalawa.
"Aray ko po!" Reklamo ko at napaubo pa ako kasi ang alikabok at puro na rin alikabok yung soot ko. Nakita kong nakapatong sa akin si Tino kaya naman nanlaki ang mata ko at naitulak ko siya.
"Aray ko Prinsesa! Bkit ako'y iyong tinulak ang sakit tuloy ng aking tagiliran" reklamo niya sa akin. Eh kasi naman nakapatong siya sa akin.
"Nako Tino paumanhin kas---"
"Tago prinsesa!" Kaagad akong hinila ni Indio sa likod nung mga malalaking drum na kahot dito para bang barrel ganun? Ay ewan basta ayun.
May mga tumatakbong mga guardia civil at mukhang hinahanap itong si Indio. Kaya nanahimik lang muna kaming dalawa.
"Huwag muna tayong maingay hangga't nasa paligid sila" bulong niya sa akin at napakunot noo naman ako. Kung wala naman siyang kasalanan bakit hindi siya magsabi ng totoo sa mga guardia civil? Nang malinis ang pangalan niya at hindi magmukhang dagang nagtatago mula sa mga pusang nanghahabol sa kanya.
"Tino kung wala ka namang kasalanan eh maglakas ka ng loob na sabihin sa kanila na hindi naman talaga ikaw yung nagnakaw" bulong ko sa kanya at maya maya ay napahawak ako sa bibig ko kasi may mga guardia civil sa paligid namin at baka mahuli kami.
"Tahimik muna tayo Prinsesa" wika niya at nanahimik muna kami at mula sa kinatataguan namin ay may anim na guardia civil ang napahinto.
"Mierda! Natakasan na naman tayo ng indio na iyon!" Wika ng isang guardia civil na hindi pangkaraniwan ang soot niyang uniporme para bang mas nakatataas siya kaysa sa mga kasama niya.
Ang slang naman niyang magsalita halatang bagong salta lang siya dito sa pilipinas.
"Teniente Moya sa tingin ko ay nasa dakong silangan pumunta sa magnanakaw kaya halika na at siya ating hulihin" Kaya pala iba ang soot niya kasi isa siyang teniente at moya ang pangalan niya? Baka naman apelyido niya lang yun?
BINABASA MO ANG
The Unexpected 19th Century Journey
Ficción históricaCatherine McKinley in short Cath, isang popular student ng kanilang school una sa lahat maganda at sobrang talino, manang mana sa grandparent niya na model, lahat na sa kanya pero nasa sinapupunan pa lang siya ng Mommy niya ay sinabihan na siya ng i...