Kabanata 35 - Andre, Sian at Alexander

1.5K 55 4
                                    


Kabanata 35 - Andre, Sian at Alexander

1890

Hacienda Guerrero
Ciudad de Santa Clara De Asis

"Magandanag Tanghali po Don Maximilio" wika ni Crisostomo sa matandang Don na nasa harapan namin.

"Ginoong Crisostomo! Ikaw pala iyan? Ano ang maipaglilingkod ko s aiyo bakit ka naparito?" Tanong ni Don Maximilio kay Crisostomo "at ikaw ba iyan Lucas?" Masaya pang ani ng Don.

"Ako nga po Don Maximilio kay tagal ko na pong hindi nakakapunta dito simula ng lisanin ko ang trabaho ko sa inyo" wika ni Lucas at napansin ko na parang ang lungkot ni Don Maximilio pati yung bahay niya ay malungkot ang itsura ang lungkot ng vibes.

"Don Maximilio nandito po kami ni Ginoong Crisostomo kasama ang kany--"  napatigil ko Lucas ng sinamaan ko siya ng tingin at parang sinasabi ng mata ko na huwag mong masabi sabing kasintahan ako ni Crisostomo kung hindi ipapatanggal kita sa trabaho mo sa aming hacienda at nakita ko namang napalunok si Lucas at mukhang nagets ako "... ahm... nandito po kaming lahat Don Maximilio dahil nais po naming makausap kayo ng personal" paliwanag ni Lucas at umiwas na ako ng tingin sa kanya at napansin kong napatawa naman si Veronica sa ginawa kong pagbabanta kay Lucas.

"Ay ganoon ba at sino itong mga babae na kasama niyo? Ito ba ang inyong mga kasintahan Ginoong Crisostomo at Lucas?" Napasapp namna ako sa noo ko at nagpakawala ako ng buntong hininga ng dahil sa sinabi ni Don Maximilio.

Anak ng tokwa naman pinigilan ko nga si Lucas na sasabihin niyang magkasintahan kami ni Crisostomo pero ito namang si Don Maximilio napagkamalan pa kami!? Bunutin ko kaya lahat ng mga natitira niyang buhok sa bumbunan niya?

"Nako po sana nga po Don Maximilio ngunit hindi pa po namin sila kasintahan" napatawa naman ang Don sa sagot ni Crisostomo. Wow naman kailangan may "Pa" na salita? Ano confident siyang magiging kasintahan ako ganun? Sabagay ako din muna nagsabi na ligawan niya muna ako bago pakasalan.

"Paumanhin akala ko ay kasintahan niyo ang dalawang dilag na kasama niyo" wika ni Don Maximilio sa amin at napatawa na lang din kami "sige halika kayo at pumasok kayo at sa aking opisina tayo mag usap" wika ng Don at pumasok naman kami sa loob at inutusan niya yung kasambahay niya na maghanda ng meryenda para sa amin at ihatid na lamang s akanyang opisina.

Pagkapunta namin sa opisina ni Don Maximilio ay kaagad na binuksan ni Crisostomo ang usapan.

"Don Maximilio maraming salamat po at binigyan niyo kami ng pagkakataon upang makausap kayo sa araw na ito" masayang pagpapasalamat ni Crisostomo sa Don na nakaupo habang humihithit ng tabako.

"Wala iyon mga hijo at hija ayos lang sa akin na kahit paminsan minsan ay may bisita ako dito sa aking tahanan upang kahit papaano ay may kasama ako pansamantala dahil ako ay nagiisa na lamang" wika ng don sa akin at napansin ko lang din na halos siya na lang ang tao dito maliban sa iilang kasambahay na mayroon siya "Bueno ano ba ang pakay niyo at bakit kayo napasugod dito ng hindi ko alam?" Tanong niya sa amin at nagkatinginan naman kaming apat.

"Ah-eh Don Maximilio maari po ba namin kayong makausap ng pribado yung tayong lima lang po ang makakaalam?" Pakiusap ko sa Don at napakunot noo naman siya kaya kaagad naman niya pinalabas yung dalawang kasambahay na nandito sa loob ng opisina niya.

The Unexpected 19th Century JourneyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon