Kabanata 11 - Ikatlong araw ng Nobenaryo
Ciudad de Santa Clara de Asis
Hacienda Santibañez10 de Mayo de 1890
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
"Salome si Ina!" sigaw ni Adora at nasalo naman nila agad si Doña Esperanza na walang malay.
"Ina gumising ka!" Natatarantang wika ni Salome at pinaypayan pa ang ina niya.
"Ano'ng kapusukan to Crisostomo at Catherina!?" galit na sabi ni Don Fernando at tinignan niya kami ng masama, Shock! Hindi pala normal ang makitang magkasama ang babae at lalaki sa panahon........ Lalo pa't ganito pa ang kasuotan namin!!!! Wahh!!!
"Ama, nagkakamali ka po nang iyong iniisip" Depensa ni Crisostomo at nagkatinginan kaming dalawa at pakiramdam ko parehas ang kabog ng dibdib namin, lumapit naman agad si Don Fernando kay Crisostomo.
Para namang umurong ulit yung dila ko at hindi naman ako makapagsalita, GULO NA NAMAN TO! HUHUHU!!! GULO! WAHH!!! AYAW KO NA! UWI NA AKO SA PANAHON KO! HUHU!
"Kanina pinaniwalaan ko ang paliwanag ng iyong Ina tungkol sa pagpasyal mo kay Binibining Catherina sa buong hacienda, ngunit sa pagkakataon na ito ay hindi ko na palalagpasin ang kapusukan niyong dalawa!" Kapusukan talaga!? Ang OA mo Don Fernando! wala kaming ginagawang masamang, paano ko ba tatakasan tong gulong to? Hindi naman pwedeng mahimatay ako diba? Kasi ginawa ko na yun kanina.
"Totoo po ang sinasabi ni Crisostomo..... Don Fernando...... maniwala po kayo! Wala po kaming ginagawang milagro!" Pakiusap ko kay Don Fernando pero mukhang hindi siya nakukumbine sa sinabi ko, OMG! TALAGANG MAY TROUBLE!
"Kung wala kayong ginagawang milagro ng anak ko? Paano mo ipapaliwanag kung bakit wala na kayong saplot sa katawan?..... lalo ka na Crisostomo!" At napatingin ako sa soot ko at kay Crisostomo, NAPAKALAMAS NAMAN! dapat pala hindi ko na hinubad yung baro't saya ko eh! Wrong timing naman!
Napalunok na lang ako sa sinabi ni Don Fernando, Huhu! Doña Tasing! I need your help!
"Bakit hindi ka makapagsalita Catherina? At bakit ka nga pala nandito sa bahay namin? Paano ka nakapasok ng hindi man lang namin namamalayan? tiyak ako na hindi ka pahihintulutan ng iyong ama na pumunta dito" ano ba yan! Sobra namang nakakatense yung mga tintanong niya, hinay hinay lang pwede?
BINABASA MO ANG
The Unexpected 19th Century Journey
Historical FictionCatherine McKinley in short Cath, isang popular student ng kanilang school una sa lahat maganda at sobrang talino, manang mana sa grandparent niya na model, lahat na sa kanya pero nasa sinapupunan pa lang siya ng Mommy niya ay sinabihan na siya ng i...