Kabanata 62 - Kapalaran ng Nakatakda

746 33 14
                                    


(DON'T FORGET TO VOTE AND COMMENT)

Kabanata 62 – Kapalaran ng Nakatakda

1891

Ciudad de Santa Clara de Asis

---------------

Ang lahat ay napahinto at napatumba ng may malakas na pwersang humampas sa lahat mula kay Catherine na ngayon ay nakalutang at hindi maipaliwanag kung anong nangyayari sa kanya at may labis na nakasisilaw na nagmumula rin sa kanya.

"Anong nangyayari kay Catherina?" sambit ni Crisostomo at napabangon siya ngunit pinipigilan siya ng liwanag na makalapit sa mahal niya.

"Madre de Dios!" hindi makapaniwalang sabi ni Gobernador Facundo ng makita niya ang kakaibang pangyayari kay Catherina, ang ilan sa mga tao ay napaluhod na lang bigla at inakala nila na may nangyayaring himala, ang ilan ang nakaramdam ng takot at karamihan ditto ay mga guarda sibil kaya naman nagsitakbuhan sila at iniwanan ang kanilang mga armas at kanyon.

"Dos mio, anong nangyayari sa anak ko!?"gulantang na wika ni Donya Catalina na nagtamo ng maliit na sugat sa ulo ng siya'y mapatumba ng dahil sa pwersang nanggaling sa anak niya.

Kung titignan si Catherine ay wala siyang malay na nakatingala habang nakalutang sa hangin at balot na balot ng liwanag, hindi halos makatayo a ng lahat ng dahil dito at napansin ng ilan na may lumalabas mula sa kanyang bulsa.

"Crisostomo ang kapatid ko!" itinuro ni Marcelo sa binate na may lumalabs na bagay mula sa kanya.

Ang mahiwagang orasan ito at ng tuluyan ng makalabas ito mula sa bulsa ni Catherine ay may tila kidlat na lumalabas mula rito, nanginginig at kulay makulimlim na ulap ito na para bang kapag hinawakan mo ay makukuryente ka.

Nang tuluyan ng makalabas ang orasan mula sa kanyan g tagiliran ay lalo pnag tumaas ang lipad ng mahiwagang orasan na umabot hanggang kalangitan, nabawasan na ang liwanag at ng makita ni Crisostomo na parang babagsak si Catherine aykaagad siyang tumakbo para saluhin ito.

"Catherina!" wika ni Crisostomo ng kanyang masalo ang dalaga at wala pa ring malay ito kaya naman ginising niya ng ginising ito para magkamalay "Catherina gumising ka, Catherina anng nangyayari sa iyo!?" ani ni Crisostomo at ng magkamalay si Catherina ay kaagad na napadilat ito at nakita ang mukha ni Crisostomo.

"C-crisostomo?" masayang sabi nito at napahawak pa siya s amukha ng binate.

"Ako nga mahal ko, akala ko'y hindi ka na babalik sa akin" masayang sabi ni Crisostomo at napaluha pa ito sa sobrang saya "dalangin ko sa diyos ang iyong pagbabalik, salamat at kanya itong tinupad" ani pa niya sabay halik sa noo ng dalaga.

"Anong nangyayari?" sabi ni Catherine at kanyang inaninag ang kapaligiran niya.

"Catherina anak!" wika ni Donya Catalina ng makalapi siya sa nanghihihnang si Catherine.

Nagsilapitan naman ang karamihan sa kanya upag kumustahin kung ano na ang nagyayari sa kanya.

"Mabuti't buhay ka buong akala ko ay kinain ka na ng liwanag na iyon" sabi pa ng donya at napayakap pa ito sa kanyang anak.

"Anong liwanag?" tanong ni Catherine at maya maya'y may malakas na kidlat na nagmula sa mahiwagang oras na nasa kalangitan at nakalutang at bigla namang dumilim ang kapaligiran na para bang may bagyong paparating.

"Ano baa ng bagay na iyon Catherina? Nagmula iyon s aiyong bulsa at bakit bigla na lang itong lumiwanag at nagging dahilan ng iyong paglutang sa hangin?" tanong ni Crisostomo at napatingin si Catherina sa orasan at biglang pumasok sa kanyang isipan ang mga maaring mangyari.

The Unexpected 19th Century JourneyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon