Kabanata 37 - Limangpung Parusa

1.5K 57 6
                                    


Kabanata 37 - Limangpung Parusa

1890

Puerta de Asis
Ciudad de Santa Clara de Asis

"Ano ba huwag nga kayong harass sa paghawak sa akin!? Para kayong humawak ng kakayayin na baboy ha!?" sigaw ko s amga guardia civil na ito ng makarating kasi dito sa hinintuan ng kalesa namin sandali nga ano bang lugar ito.

"Maari bang manahimik kang babae ka kasi kanina pa kami naririndi sa lakas mo kung magsalita" reklamo sa akin ng guardia civil.

"Eh kayo? Maari niyo ba akong dalhin sa lugar kung saan niyo man ako dadalhin ng hindi sa marahas na paraan!? Kasi kanina pa ako nasasaktan sa paghawak niyo sa akin!" Sigaw ko pa sa kanila at hinigpitan pa nila yung paghawak sa kamay ko "A-aARAAAAYYY!!!" Sigaw ko sa kanila at napaiwas naman sila ng tingin sa akin. Pakiramdam ko ngayon para akong wild animal na nagwawala na nahuli nila.

Maya maya ay bago kami pumasok sa gate ay huminto muna ako.

"S-sa-sandali sandali! Teka nga ano bang lugar ito ha!?" Tanong ko sa kanila at nakita kong napa evil smile sila kaya naman napalunok ako.

"Ito ang kalalagyan mong lugar" wika nila sa akin at medyo kinabahan ako baka kasi gahasain nila ako nako po virgin pa po ako! NO WAY!


Maharas nila akong ipinasok sa loob at pagpasok namin sa loob ay tumambad sa akin ang halos napaka dilim na mga kulungan at halos iilang sulo lang ang nagsisilbing ilaw dito na akala mo ay hindi pa nasisikatan ng araw ang lugar na ito. Habang nagdarananan namin ang mga kulungan ay iba't ibang mga hiyaw ang naririnig ko marami ang mga pinahihirapan at ang ilan ay halos wala ng buhay dahil nanghihina na sila ng sobra at yung iba ay hindi na pinakakain. May nakita ako na nakatiwarik kung itali at sunod sunod ng paghampas dito. Meron naman na tinotorture at pinipilit na paaminin ngunit may kutob akong walang alam yung tinotorture na yun. Diyos ko po paano na lang kung malaman nila na ako ang nagpakalat nung mga balita na si Gobernador Mondragon ang nagpapatay kay Gobernador Santiago hindi lang siguro ganito ang sasapitin ko noh? Kasi basta nakakulong ka kahit lalaki ka babae bata o matanda ay pahihirapan ka ng sobra.


Huminto kami sa pinakadulong selda at walang nakakulong dito siguro inireserve nila ito para sa akin. Hay nako Cath yung bunganga mo kasi hindi makapagpigil kaya ayan nakukulong ka na lang bigla pero tama lang naman yung ginawa kong pambubugbog kay Padre Vrlasco bakit nasa katwiran naman ako at kahit na ba pari siya ay wala siyang karapatan na pagmalupitan ang mga mas nakababa ng estado kaysa sa kanya. Pare parehas lang naman tayong tao at pantay pantay tayo sa paningin ng Diyos at isa pa ginagamit ni Padre Velasco ang Diyos para yurakan ang pagkatao ng mga pilipino.


"Pumasok ka sa loob!" wika nung guardia civil at tinulak niya ako paloob kaya muntikan na akong masubsob sa lapag.


"WALANG HIYA KAYO! PWEDE NAMAN AKONG PUMASOK NA HINDI NIYO AKO TINUTULAK HA!?" inis na inis kong sigaw sa kanila at kaagad akong tumayo at nilapitan sila.


"Baka kasi makatakas ka pa" tinaasan ko siya ng kilay at nilapitan ko siya at binatukan ko siya at tinutukan naman niya ako ng baril pero mukhang immune na yata ako sa pagtututok nila sa akin ng baril.


"BOBO KA BA!? sa tingin mo saan ako makkatakas aber? ni wala ngang bintana dito tapos sasabihin mong baka matakas ako? may utak ka ba? o sadyang nalukuban ka lang ng utak ng mga pinuno mong balukyot ang utak!?' sigaw ko sa kanya at napasarcastic laugh na lang siya.

The Unexpected 19th Century JourneyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon