Kabanata 26 - Malinaw na sa akin ang lahat

2K 76 22
                                    


Kabanata 26 - Malinaw na sa akin ang lahat

Plaza Santo Tomas
Intramuros, Maynila

"Mga demony---" pinigilan ni Crisostomo na banggitin ko yung salitang iyon.

At ngayon ay nakikita ng aking dalawang mata ang walang awang pagpatay ng dalawang guardia civil sa isang matandang lalaki.

"Asawa ko!" Wika ng isang babae at kaagad niyang nilapitan yung katawan ng asawa niyang duguan na nakahandusay sa kalsada.

Napakawalang hiya nila! Paano nila nasisikmura na pumatay ng isang inosenteng matandang lalaki na nagsusumamo lamang sa isang sakong biga? Hindi ba nila kayang pagbigyan iyon? Napakahirap bang pagbigyan? Pwede naman nilang bayaran sa susunod kung may kulang ah, Bakit ganoon ang mga kastila? Bakit?

"Iyan ang nararapat sa mga Indio na hindi marunong sumunod sa mga patakaran!" Galit na sigaw nung prayle at halos lahat ng mga tao sa paligid namin ay nakikiusyoso sa pangyayari "Huwag niyo kaming hahamakin lalo na ang inang espanya kung ayaw niyong matulad sa lalaking ito!" Sabi pa nung prayle at tinignan niya pa ng masama yung katawan nung matandang lalaki Eso es correcto para ti! (Iyan ay tama para sa iyo!)" Galit na wika pa nung prayle sa patay na katawan ng lalaki at mas lalo akong nakaramdam ng galit ng duraan at tadyakan pa niya ito sa ulo.

"Napakawalang hiya!" Galit na galit kong wika at sa sobrang galit ko ay naikuyom ko ng sobra yung kamay ko at halos kagatin na ng kuko ko yung palad ko.

"Binibining Cathy baka may makarinig sa iyong kastila" nagaalalang wika sa akin ni Crisostomo at umalis na yung prayle pati na rin yung dalawang guardia civil na kasama nito.

Halos marinig sa buong lugar na ito ang iyak ng asawa nung namatay na matandang lalaki at ramdam na ramdam ko ang hinagpis at sakit na yun.

"Napakawalang hiya! Hindi na nila naisip na may pamilya na naiwan yung lalaking pinatay nila!?" Halos maiyak ako sa sobrang galit! Pangatlong beses ko na ito na makakita ng harap harapan na taong binaril. Nakakapanghina at nakakawala ng lakas. Parang gusto kong umiyak ng umiyak sa isang sulok na walabg makakkita sa akin dahil hindi ako makapaniwala sa mga nakita kong kawalang hiyaan.

"Wala tayong magagawa Binibini sapagkat tayo ay isang pangkaraniwang tao lamang at walang kapangyarihan upang pigilan ang mga ganitong katiwalian" wika ni Crisostomo sa akin habang ako ay nakatanaw pa rin dun sa lalaking nakahandusay.

The Unexpected 19th Century JourneyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon