Kabanata 41 - Tunay na Catherina1890
Mansyon nila Crisostomo at Catherina
Ciudad de San Roque"Catherina?" Wika ni Crisostomo at bigla namang tumulo yung luha ko ng banggitin niya ang pangalan ko.
"Ako nga ito Crisostomo! Salamat sa Diyos at nakita mo na rin ako sa wakas!" sambit ko sa kanya at yung puso ay ang lakas ng tibok Dios mio salamat at nakita na niya ako.
"Sandali baka gun-guni ko na lamang iyon? Imposibleng nandito si Catherina sapagkat mahimbing siyang natutulog?" Wika niya at nanlaki ang mata ko ng sabihin niya iyon.
"Crisostomo huwag! Ako ito maniwala ka sa narinig mo at nakikita mo hindi ako isang guni-guni o panaginip totoo ako!" Wika ko at maya maya ay naramdaman kong unti unti na niya akong ibinababa.
"Baka dala lang siguro ito ng antok ko babalik na nga lang ako sa aking pagtulog" wika ni Crisostomo at ng sabihin niya yun ay nanlaki ang nata ko.
"CRISOSTOMO HUWAG! NANDITO AKO AKO ITO!" sigaw ko sa kanya at nakita ko yung huwad na Catherina sa likuran niya.
"Crisostomo ano ang iyong ginagawa sa mga oras na ito? Malalim na ang gabi at gising ka pa?" Tanong ng huwad na Catherina at ng tumingin si Crisostomo sa kanya ay may hinipan siyang pulbos na bagay at nalanghap ito ni Crisostomo at mukhang hindi siya mapakali ng makita niya ako at makita niya rin na hawak niya yung mahiwagang orasan na ikinalaki ng kanyang mata.
"C-catherina nagising lamang ako ng may marinig akong kakaibang tunog at nakita kong bumagsak itong orasan mo kaya pinulot ko ito" salita naman ni Crisostomo at kaagad namang kinuha ng huwad na Catherina yung orasan mula sa kamay ni Crisostomo at itinago ako sa likuran niya.
"Sa tingin ko ay daga lamang ang may kagagawan ng tunog na nagpagising sa iyo kaya huwag mo na itong pansinin at halina at matulog na tayo" wika pa ng huwad na Catherina at diniinan niya ng pagsara yung orasan kaya naman napatumba ako. Dios mio parang lumilindo dito.
"PAKAWALAN MO AKO DITO!" sigaw ko at hindi ko naman mahawakan yung salamin dahil para akong kinukuryente kapag hinahawakan ko ito "Crisostomo huwag kang bulag! Nakita mo na ako kanina eh!" sigaw ko at
"Mukha nga, o siya halika na aling mahal at matulog na tayo at sa tingin ko din ay baka guni-guni ko lang ang aking narinig" wika ni Crisostomo at napansin ko na parang ginawa itong huwad na ito sa kanya kaya ganyan ang mga sinasabi "sumasakit ang aking ulo Catherina nais ko ng bumalik sa pagtulog" ani pa ni Crisostomo at narinig kong naglakad na si Crisostomo sa tingin ko ay bumalik na ito sa kanyang pagtulog.
Naglakad naman itong si huwad na Catherina at napahawak ako para hindi ako matumba at natigil lang ang malalindol na pagyanig ng tumigil na ito at naramdaman kong kinuha niya ako mula sa bulsa.
Hinarap niya ako at ang sama ng tingin niya sa akin na akala mo sasabog na bulkan kaya naman napa cross arm ako at tinaasan ko siya ng kilay ko.
"Nu ginagawa mo? Bakit ka nakatingin sa akin ng ganyan?" Pagtataray ko sa kanya sabay irap.
"Kamuntik na akong mahuli ni Crisostomo nang dahil sa ginawa mo Catherina!" galit niyang sambit sa akin at napatingin ako sa paligid niya at nasa likod pala kami ngayon ng bahay namin ni Crisostomo.
BINABASA MO ANG
The Unexpected 19th Century Journey
Ficción históricaCatherine McKinley in short Cath, isang popular student ng kanilang school una sa lahat maganda at sobrang talino, manang mana sa grandparent niya na model, lahat na sa kanya pero nasa sinapupunan pa lang siya ng Mommy niya ay sinabihan na siya ng i...