Kabanata 20 - Ang Masamang Balakin
02 de Hunyo de 1890
Ciudad de Santa Clara de Asis
~~~~~~~~~~~
Dali dali kong kinaladkad si Crisostomo palabas ng restaurant na yun kasi naiinis ako sa kanilang lahat HAYTS!!!
"Binibining Catherina sandali lang, bakit ba nagmamadali ka sa paglalakad? May kailangan ka bang puntahan?" Tanong niya sa akin at binitawan ko na yung kamay niya, baka kasi isipin niya na tsinatsansingan ko siya.
"WALA GINOO!" irita kong sigaw sa kanya at natawa lang siya, Wow naman talaga tong lalaki na ito patawanan ba daw ako eh nakita na ngang naiinis na nga ako.
"Wala pala Binibini bakit tila galit ka sa akin?" Tanong niya at lalo akong napasimangot.
"Ay halata bang galit ako? Sorry hindi ako galit, naiinis ako sayo! Bakit kasi hindi ka nagreklamo nung sinabi ni Ama na may lihim kuno daw tayong pag-iibigan sa isa't isa?" Inis kong reklamo sa kanya.
"Binibini kahit na magreklamo tayong dalawa sa ating mga Ama ay hindi naman tayo maaaring sumuway hindi ba at isa pa magiging daan din ito upang hindi na magkaroon pa ng alitan sa pagitan ni Ama at ni Don Carlos" hays nako nako kung wala lang talaga akong misyon na inaalala eh kanina pa siguro ako nagprotesta.
"Ngunit alam naman nating dalawa na hindi tayo yung tinutukoy ni Ama hindi ba? Alam naman natin na ang kapatid kong si Isabella at ang kapatid mong si Diego ang may lihim na nag-iibigan hindi ba?" Wika ko pa sa kanya kasi feeling ko nagmumukha kaming taksil sa mga mata ng magulang namin.
"Alam ko iyon Binibini ngunit kung ilalaglag natin sila sa mga magulang natin tiyak na mapaparusahan silang dalawa, Una nasa murang edad pa lang sila, at ikalawa iisipin ng mga magulang mo na parang nagtataksil sila" paliwanag niya at napakamot na lang ako sa ulo ko sabay cross arm "Gusto mo bang maparusahan ang nakababata mong kapatid?" Tanong niya sa akin.
BINABASA MO ANG
The Unexpected 19th Century Journey
Historical FictionCatherine McKinley in short Cath, isang popular student ng kanilang school una sa lahat maganda at sobrang talino, manang mana sa grandparent niya na model, lahat na sa kanya pero nasa sinapupunan pa lang siya ng Mommy niya ay sinabihan na siya ng i...