Kabanata 32 - Ang Pagiinspeksyon

1.5K 61 12
                                    


Kabanata 32 - Ang Pagiinspeksyon

1890
Capitolio de Santa Clara de Asis
Ciudad de Santa Clara de Asis

"KYAAAHHH!!!" At naramdaman ko na bumagsak na ako kasi nabali yung sanga ng puno na tinutuntungan ko.

"Catherina!" rinig kong sigaw ni Crisostomo at halos hindi ako huminga at hinintay ko na bumagsak yung katawan ko sa lupa kaya napapikit na lang ako.

Ngunit naramdaman ko na may sumalo sa akin at napadilat ako. Laking gulat nang masalo ako ni Crisostomo mula sa pagkakabagsak kaya naman wala akong natamong mga sugat

"Ayos ka lang ba Binibini!?" Alalang tanong ni Crisostomo.

"Oo ayos lang ako Crisostomo kaya huwag kang magalala, kailangan na nating tumakas dito" wika ko at nakita kong dumungaw mula sa bintana si Gobernador Mondragon at nakatingin siya sa kung nasaan kami ni Crisostomo.

"Binibini kailangan na nating tumakas!" Wika niya at binuhat niya ako at hinawakan ko naman yung backpack ko baka makalimutan pa kasi at napansin namin ni Crisosto na may mga tumatakbong guardia civil papalapit sa aming direksyon.

"HABULIN NIYO ANG DALAWANG YUN!!!" Utos ni Gobernador Mondragon at isinuklob ko yung belo sa ulo ni Crisostomo para hindi siya makilala.

"Anong ginagaw amo Binibini!?" Tanong niya habang papatakbo pa lang siya habang buhat ako.

"Ilagay mo sa ulo mo iyan upang hindi ka nila makilala!" Paliwanag ko sa kanya.

"Paano ka!?" Tanong niya.

"Ako ng bahala, hindi nila ako makikilala basta bilisan mo!" Wika ko sa kanya at ng papatakbo na si Crisostomo habang buhat ako ay pinaputukan na kami ng baril kaso maswerte kami at hindi naman kami tinamaan.

Nilugay ko yung buhok ko at tinakip ko sa mukha ko kaya ayun hindi na kami makikilalang dalawa. Mabilis namang tumakbo si Crisostomo kaso panay naman ang pagbaril sa amin kaya kinakabahan ako.

Panginoon ko huwag niyo po sana kaming pababayaang dalawa ni Crisostomo. Hayaan niyo pong makatakas kami mula sa mga humahabol sa aming mga guardia.

"HABULIN NIYO SILA! HUWAG NIYO SILANG PABAYAAN NA MAKATAKAS!" Rinig kong sigaw ng isang lalaki sabay paputok sa amin pero takagang sinuswerte kami kasi hindi kami natatamaan ng baril nila.

The Unexpected 19th Century JourneyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon